Kristoffer Martin at Bea Binene, tuloy ang movie kahit ‘di nakapasok sa MMFF

ADVERTISING

Kristoffer Martin at Bea Binene, tuloy ang movie kahit ‘di nakapasok sa MMFF

Kristoffer-Martin-Bea-BineneHINDI MAN daw nakapasok sa Metro Manila Film Festival 2015 ang rom-com movie na pagsasamahan ng dalawa sa Teen Prime Artist ng GMA 7 na sina Kristoffer Martin at Bea Binene, tuloy tuloy pa rin daw ang shooting nito ngayong taon.
At kahit nga nanghihinayang ang dalawang bagets sa ‘di nito pagpasok sa inaabangan at malaking film festival ng taon, okey lang daw dahil tuluy-tuloy pa rin naman daw ang shooting ng kanilang pelikula.

Happy nga raw ang dalawang bagets at sila ang magkapareha sa nasabing movie, dahil in real life ay talagang magkaibigan at magkabarkada sila.
At habang ginagawa ang kanilang movie, busy si Bea sa kanyang mga regular shows like Sunday All Stars, Good News, at Vampire Ang Daddy Ko. Samantalang regular namang napanonood si Kristoffer sa Sunday All Stars at sa top-rating soap ng GMA na Healing Hearts.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING