Kristine Hermosa thinks she still has hold of Diether

Kristine Hermosa thinks she still has hold of DietherKristine Hermosa thinks she still has hold of DietherPUSPUSAN ANG ‘PADYAK’ campaign ni Senador Mar Roxas sa iba’t-ibang panig ng bansa. Sinasabayan naman siya ni ateng Korina Sanchez sa Rated K, sa pamimigay naman ng mga tsinelas sa mga batang mag-aaral.

Perfect tandem ngang matatawag ang mga advocacies nila dahil masarap at maganda nga namang pumadyak para sa kabuhayan kung may matino kang tsinelas. Bukod sa pamimigay ng libreng padyak, mayroon pa ring mga libreng pagamot, pasalamin, papustiso, pakain at pagupit ang nasabing caravan.

Samantala, nangamba nga ang lady broadcaster nang mabalitaan nito kahapon na halos isang oras pala sa ere ang chopper na sinasakyan ng katipan patungo sa Tarlac State University para sa isang commencement exercises. Mabuti na lamang at safe itong nakapag-emergency landing sa isang lugar sa Pampanga at nakapunta sa Tarlac for his engagement.

Dapat lang mag-worry ang matapang na brodkaster dahil this year nga siya nakatakdang maging Mrs. Mar Roxas, ‘di ba?

WORRIED DIN ANG marami na baka sa pagbibigay ng unsolicited advice ni Kristine Hermosa kay Diether Ocampo hinggil sa usaping puso nito ay rumesbak sa aktres ang lahat.

Para kasing pinalalabas pa ni Tintin na nakikinig pa sa kanya ang dating bf at may hold pa siya rito. Nag-react nga si Diet na wala na dapat pakialam pa sa buhay niya ang ex-gf, dahil never naman siyang nanghimasok pa sa buhay ng dalaga.

Parehong abala sa mga respective projects nila ang dalawa. Mayroong Nasaan ka Maruja? si Tintin, habang nasa Only You naman si Diet.

Hindi naman sila magkakaroon ng project together, kaya’t hindi namin tinitingnan na nagpapaka-kontrobersyal sila para pag-usapan. Unless, isa na naman itong istilo ni Tintin dahil kilala nga siyang mahilig magsalita ng kanyang mga concerns kahit hindi naman hinihingi?

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus