Kristine Hermosa lumalabas na ang pagiging kontrabida sa ‘Bagani’

ADVERTISING

Kristine Hermosa lumalabas na  ang pagiging kontrabida sa ‘Bagani’

Kristine Hermosa lumalabas na  ang pagiging kontrabida sa ‘Bagani’
Kristine Hermosa

UNTI-UNTI nang ini-establish sa ABS-CBN primetime series na Bagani ang tunay na katauhan ng character na pino-portray ni Kristine Hermosa bilang si Malaya.

ADVERTISING

Sa mga previous episodes, pinalalabas na kakampi siya ng dalawang bidang Bagani ng epic serye na sina Liza Soberano at Enrique Gil. Tinulungan pa nga ni Kristine na makatakas sina Lakas at Ganda sa tinatawag nilang Dako Paroon.

Pero may twist pala dahil  lumalabas na ang pagiging kontrabida ni Kristine sa Bagani, huh! Kung paano raw mangyayari yon ay abangan na lang sa mga susunod  pang episodes ng programa.

Anyway, halata namang nakatulong kay Liza ang training niya sa Darna para sa mga action scenes niya sa Bagani. Ang galing na niyang mag-action, huh! Effortless na.

ADVERTISING

Isa pa ang naobserbahan namin sa panonood ng Bagani at ito yung unti-unti na ring pagpatay sa karakter ni Rayver Cruz who is playing Kidlat ang the series. Kaya naman pala panay na ang paramdam niya sa GMA-7 kasi matsutsugi na siya sa Bagani.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING