Kristine Hermosa, deadma sa pasaway issue – Pilar Mateo

ADVERTISING

Kristine Hermosa, deadma sa pasaway issue – Pilar Mateo

TIN’S “SOAP”: HINDI mamatay-matay ang paga-akusa ng marami kay Kristine Hermosa na patuloy pa rin ito sa pagiging pasaway lalo ngayon at balik-soap na naman ito sa Dahil May Isang Ikaw sa ABS-CBN.

ADVERTISING

Kahit hindi na nakikialam sa mga ganitong bagay ang butihing ina ni Tin na si Tita Mai, ito ang nagiging bothered sa mga negatibong bagay na lumalabas tungkol sa kanyang anak.

“Much as I want to say that I don’t want to get affected anymore,” say ni Kristine, “hindi naman natin mapipigilan ang mga tao sa mga gusto nilang gawin. Baka ‘yun ang ikinasisiya nila sa buhay kaya, hayaan na lang natin silang magsawa. So far, we’re so in sa soap namin at pinagbubuti namin ang trabaho namin. Natutuwa kami ni Echo dahil sa pagtanggap sa amin ng mga tao sa DMII.”

Lagi pa ring isinusulat na madalas daw ‘sabunin’ ni Mr. M (Johnny Manahan) ang dalaga.

ADVERTISING

“Mga anak ang turing sa amin ni Mr. M. Kaya every now and then, he meets with us para alamin ang lahat-lahat sa amin. Pangit o maganda, all he gives us, eh, mga pieces of advice kung saan o ano ang strengths and weaknesses namin. Bakit ba nagiging isyu ‘yung makita lang ako sa office ni Mr. M, ang dating na pinapagalitan ako? Ginagawa naman nilang laging terror ang tatay namin!”

IMELDA’S HOPPIN’ & POPPIN!: DAHIL nga sa laki ng gagastusin sa requirements para sa pagsasamahan nilang show ni Melissa Manchester sa PICC, ire-reset na ito sa Disyembre, ayon kay Imelda Papin.

Five hundred million pesos daw kasi ang gagastahin ni Boss Vic del Rosario at ng 618 Entertainment na magdadala rito sa nasabing foreign artist na successful namang nakasama na ni Mel sa kanyang show sa Las Vegas, Nevada, USA.

Ang album muna niyang I Love You ang kanyang ipo-promote bago siya bumalik muna uli sa US sa October. At aasikasuhin din nito ang pag-turn over ng dialysis machines sa ilang ospital dito para sa mga nangangailangang pasyente.

Inusisa ko kay Mel kung ano na ang nangyari sa pinasiyaan nila ni Kuya Germs na lupa at pabahay sa mga taga-movie industry sa Bulacan, ang Movielandia. Meron na raw nag-take-over sa pamamahala nito, ang developer mismo. Nakita rin kasi nila na may problema sa lugar at nasa looban ito para gawing isang subdivision. At maputik kapag umulan kaya ibinigay na niya ito sa developer para asikasuhin.

Sa invisible war sa pagitan nila ni Claire dela Fuente na nagsasabing siya ang nagpakilala sa ‘Honey’ ngayon ni Imelda sa kanya, natatawa ang songstress sabay sabing “Tumigil siya! Alam n’yo naman si Clara, mahilig magbiro. No, wala kaming dapat na maging away, Eva (Eugenio) included. Nu’ng hindi natuloy ang reunion naming at nagkaroon naman sila ng The Legends concert, meron akong trabaho nu’n sa US. Hindi kami mag-aaway-away ng mga ito.

Hindi naman nagbibigay ng detalye si Mel sa kanyang Filipino-American ‘Honey.’ Pero ayon sa mga nakarating sa aming balita at mga kababayan din nating nakausap sa Amerika, Mel is living comfortably in Las Vegas and Los Angeles. May nagsabi sa amin na ang isang bahay na pag-aari ni Mel na napabalitang meron pang elevator (just like Kuh Ledesma’s?) ay pag-aari ng Hollywood actor na si Clark Gable.

No comment dito ang Sentimental Jukebox songstress.

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING