Kristine Hermosa confirmed she’s 6 weeks pregnant!

ADVERTISING

 

Kristine Hermosa confirmed she’s 6 weeks pregnant!

ADVERTISING

Kristine Hermosa confirmed she’s 6 weeks pregnant!MAKALIPAS ANG ILANG buwan mula nang siya ay ikasal kay Oyo Sotto, isang magandang balita ang ibinahagi ni Kristine Hermosa when she recently confirmed in her text message to Star Magic that she is already pregnant with her first baby.

“Yes po, I’m 6 weeks pregnant!! Yahoooo! God is really good… More to come. Hahaha!!! I want to thank all my supporters for the prayers. God bless you all,” ang nakalagay sa kanyang ipinadalang text message.

Tintin and Oyo tied the knot last Ja-nuary 12 at Club Balai Isabel in Talisay, Batangas in a romantic sunset wedding na dinaluhan ng kanilang mga pamilya at close friends. Their altar date also coincided with Oyo’s 27th birthday.

ADVERTISING

Tintin gladly welcomes motherhood as another exciting chapter in her life. Ipinagdasal talaga ni Tintin to have a baby kaya naman masayang-masaya siya when her prayers were finally answered. She also hopes for more babies in the future.

Matatandaang sinabi noon ng kaibigan nating Dina Bonnevie, Oyo’s mom, that the newlywed is excited to have a baby but they are not in a rush. Sinabi rin nina Tintin at Oyo noon sa isang interview na hindi sila pressured kahit pa may panawagan ang daddy nilang si Vic Sotto na magkaroon na sila ng anak para madagdagan ang kanyang apo. Ang elder sister kasi ni Oyo na si Danica ay buntis ngayon sa kanyang second child with her husband PBA cager Marc Pingris.

Sa kanyang interview with Showbiz News Ngayon (SNN) ay ni-reveal ni Dina na napansin niya that Tintin was craving for mangoes and bagoong. Noong birthday celebration daw ni Danica ay malakas kumain si Tintin. Ang lahat ng mga ito ay signs ng paglilihi.

Ngayon ay kumpirmado na nga that Tintin is pregnant. Let’s all pray that she will not have a difficult time with her pregnancy and that she will have a safe delivery.

Gaya ng madalas kong sinasabi, babies are always lucky. Maganda ang pasok ng taon para sa mag-asawang Tintin at Oyo dahil sa kanilang kasal at sa pagbubuntis ni Tintin. Sino kaya ang magiging kamukha ng kanilang baby? Sana ay mas lalo pang tumibay ang kanilang pagmamahalan at pagsasama sa pagdating ng kanilang baby.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING