Kristine Hermosa, bantay-sarado kay Oyo Boy Sotto by Pilar Mateo

ADVERTISING

Kristine Hermosa, bantay-sarado kay Oyo Boy Sotto by Pilar Mateo

ECHOES FROM THE past: Very much at home na nga uli sa isa’t isa ang ex-sweethearts na sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales. Ito ang namalas sa kanila sa presscon para sa bago nilang soap sa ABS-CBN, ang Dahil May Isang Ikaw.

ADVERTISING

For the first time in their life, noon lang sila naging totoo sa mga sinasabi nilang kalokahan nila in the past.

Nasabi ni Kristine na si Echo nga ang umiwan sa kanya dahil na rin sa pressure sa kanila being in the relationship that time. Nagkaroon nga ng iba si Echo pero hindi naman daw siya nangaliwa. For a time, eh, hindi nagustuhan ng Mommy Mai ni Tin si Echo pero nang naging sila naman noon, eh, kinagiliwan din ito ng kanyang ina. And during one of their tapings sa isa sa dalawang soap nila dati(Pangako Sa ‘Yo o Sana’y Wala Nang Wakas), may mga ‘awatan’ pa raw nangyayari tuwing mag-aaway sila.

Such revelations, ‘di ba? Na wala ngang nakaalam that time. At kelan nga lang daw, isang araw ng magkabungguan sila, du’n na nila na-decide na oo nga, it’s about time na magsama na uli sila sa trabaho. At ang kilig factor naman sa kanila bilang isang tambalan, eh, nananatili pa rin.

ADVERTISING

Ang posibilidad ng isang balikan?

Hindi nga maaari sa ngayon. Dahil si Kristine na ang nag-sabi na may nagmamahal sa kanya, na ibinuking pa ni Echo na sumusundo sa dalaga. Ang buweltang tanong kay Kristine, eh, mahal ba naman niya ang anak ni Bossing Vic (Sotto) na si Midnight DJ?

Mahal din daw niya ito pero they are at that stage na wala munang commitment. Kaya, hindi pa rin daw masasabing na sila na.

Nang may magsabi naman kay Echo na si Joey de Venecia ang bagong manliligaw ng ex naman niyang si Heart Evanglista sa ngayon, nagulat lang ang aktor dahil first time daw niya itong narinig. Ang importante lang naman daw sa kanya, eh, ‘yung malamang masaya ang dalaga sa papasukin niya. Dahil hindi pa nga nagtatagal ang paghihiwalay nila noon, nagkaroon na ito agad ng boyfriend pero nawala din sa kalaunan. Yes, dalawang beses silang nagkita at nagkasama sa panonood ng sine dahil kinailangan nilang mag-usap para maayos na matapos ang lahat sa kanila. At nangyari naman.

Inili-link naman sa isang Brazilian si Echo, na pinabulaan niya. May mga nakakasama lang daw siya sa events pero hindi siya nanliligaw sa isang banyaga.

NO TOUGH COOKIE: Ang teaser, aaming bakla ang isang dating sexy o hunk actor. Pero nang sumalang na sa harap ng interbyu si Toffee Calma para sa commercial release ng Show Boys, hindi siya nag-ala Rustom Padilla at sinabing bakla siya. Isa lang daw siyang ‘bi’ (bisexual), na sa depinisyon niya, puwede siya sa lalaki at pwede rin siya sa babae, ACDC, ‘ika nga.

Sinabi rin ni Toffee ang mga linyang minsang narinig namin kay Rustom Padilla noon paglabas nito sa Bahay ni Kuya na ang isang bagay na hindi niya gagawin eh, ang mag-bestida. But look what happened, “pinatay” si Rustom and a beautiful Bebe Gandanghari emerged. Pero sa Show Boys kung saan bakla ang role niya, nagbihis at ayos-babae siya, naikumpara tuloy siya kay Bebe na puwede silang lumabas na mag-Ate. At kung tutuusin, magiging isang magandang bakla si Toffee, ha?

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING