Kristine Hermosa at Jericho Rosales, may kakaibang kilig as a loveteam – Boy Abunda

ADVERTISING

Kristine Hermosa at Jericho Rosales, may kakaibang kilig as a loveteam - Boy Abunda

MAY MGA TAONG nakakakilig panoorin na magkasama on-screen because they look good together and they have great chemistry. Hindi naman kailangan na ang magka-loveteam ay magkaroon ng relasyon sa totoong buhay para maging patok sa mga fans. Pero malaking bagay ‘pag tinototohanan nila. Noong panahon namin – parang walang impiyerno – lahat langit – basta magkasama lang sina Guy at Pip!

ADVERTISING

May kakaibang kilig ang loveteam nina Kristine at Jericho. Marami sa kanilang fans ang hindi nawalan ng pag-asa na balang-araw ay magsasamang muli sa isang proyekto ang kanilang mga idolo. And now after five years, the long wait is finally over because Tintin and Echo will reunite in ABS-CBN’s new primetime teleserye Dahil May Isang Ikaw. At kahit alam ng iba na wala naman talaga, parang merong pag-asa na muling maging sila. Kahit sandali lang na lokohan, titigan, biruan – nakakakilig pa rin silang panoorin.

Maraming beses nang nasubukan ang kanilang lakas sa ratings at sa takilya. From their television shows Ang Munting Paraiso, Pangako Sa ‘Yo at Sana’y Wala Nang Wakas hanggang sa kanilang mga movies tulad ng Trip, Forevermore at Ngayong Nandito Ka.

Ano nga ba’ng meron ang loveteam nina Tintin and Echo? Parang walang paliwanag. Basta, meron lang dating ang kumbinasyon nila.

ADVERTISING

Obvious na they have become very good friends. They have become more comfortable with each other and they can now talk about the past and the present. Nakatutuwa ang mga hirit ni Tintin during their guesting on The Buzz dahil natatameme si Echo. It was so easy for Tin to unsettle him. Namumula si Echo at kitang-kita kong nanginginig siya. He was groping for the right words when Tin asked him why he left her.

Marami ang nagtatanong kung posible pa bang magkabalikan ang dalawa. Tintin is now happy with rumored boyfriend Oyo Sotto while Echo is said to be in good terms again with Heart Evangelista. Pero gaya nga ng madalas nating sabihin, anything is possible. Tingnan natin.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING