Kristine Hermosa, aminadong si Oyo Boy Sotto lang ang lalaki sa buhay niya!

ADVERTISING

Kristine Hermosa, aminadong si Oyo Boy Sotto lang ang lalaki sa buhay niya!

Kristine Hermosa, aminadong si Oyo Boy Sotto lang ang lalaki sa buhay niya!HINDI NAMAN PALA totoong nagpakasal na sina Oyo Boy Sotto at Kristine Hermosa.

Ang tsismis kasi, mismong sa ina raw ni Oyo na si Dina Bonnevie nanggaling ang tsikang nagpakasal na ang dalawa.

“‘Yung sinabi nila na nanggaling daw sa mom ko na nagkaroon lang daw kami ng secret marriage sa Amerika, hindi po totoo iyon. Hindi po totoo na nagkaroon kami ng secret marriage ni Kristine. I doubt it na nanggaling iyon talaga sa mommy ko. Wala namang rason para itago ko iyon, ‘yung pakakasalan ko si Kristine,” say ni Oyo.

Actually, up until now ay ayaw pang ihayag ng dalawa kung ano’ng relasyon meron sila.

ADVERTISING

“Ever since, I like privacy. Kung anuman ang meron sa amin, kung anuman ang nakikita sa amin ng tao, hanggang doon na lang muna,” say ni Oyo.

Maging si Kristine, gustong gawing private ang kanyang relationship sa binata.

“Sana sa akin na lang, sana sa amin na lang ‘yon,” sabi ng dalaga na umaming espesyal si Oyo sa kanya. “Oo naman, siya lang naman ang lalaki sa buhay ko ngayon.”

Ayon naman sa binata ni Dina, si Kristine ay mahalaga rin sa kanya. “Sobrang malaki ang parte niya sa buhay ko,” say ni Oyo.

PINANGUNAHAN NI ANNE Curtis ang pagtulong sa may sakit na ina ni Francine Prieto.

Actually, nagsimula ang lahat nang magpadala siya ng Blackberry messages sa kanyang kapwa artista para humingi ng tulong.

Ang ilan sa mga nagbigay ng pera ay sina Boy Abunda, Kris Aquino, Christian Bautista, Drew Arellano, Iya Villania, Mariel Rodriguez, Jed Madela, Sam Milby, Luis Manzano and Vhong Navarro.

Halos maiyak sa tuwa si Francine nang makarating ito sa kanya.

“Sobrang saya ko na nakakaiyak. Grabe! Ang dami pa palang mababait at mabubuting tao. Maraming-maraming salamat sa pagtulong ninyo sa akin,” sabi ng sexy star.

Ayon sa report, umabot na sa P800,000 ang nalikom na pondo para sa mother ni Francine. Last year ay na-diagnose ang ina ng sexy actress na may stage 3 ovarian cancer.

BLIND ITEM: SOBRANG payat na raw ngayon ng isang dating young male star. At dahil sa kapayatan, wala na raw kumukuha sa kanyang mga bading ngayon kahit na bagsak-presyo na siya.

Madalas tumambay sa isang convenience store ang young actor para magpa-booking sa mga bading sa kanilang lugar. Ang kaso, hindi na siya ngayon mabenta. Losyang na losyang na kasi ang kanyang hitsura. Kung dati ay sariwang-sariwa pa siya, ngayon ay kitang-kita sa kanyang katawan ang kahirapan ng buhay.

Ang dahilan? Masyadong nagumon ang aktor sa masamang bisyo – alak at droga. At kahit na napakagaling niyang umarte, hindi na siya muling pinagkatiwalaan ng network na dati niyang kinabibilangan.

Ngayon nga raw, kahit na ilang daan na lang ay makukuha na ang aktor. Puwede na siyang tawad-tawaran.

Clue? Ang pangalan niya ay tunog-banyaga.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING