Kristine Hermosa, agaw atensiyon kay Diet?

NAGPAPANSIN DAW SI Kristine Hermosa sa ex niyang si Diether Ocampo.

Super dance raw ang hitad sa dancefloor ng Rizal Ballroom ng Makati Shangri-la noong Sunday night. Isa kasi siya sa mga um-attend ng Star Magic Ball noong gabing iyon.

Marami ang nakapansin na talagang humataw si Kristine sa dancefloor. Obvious na obvious naman daw na nagpapansin ito kay Diether. Talaga raw kasing tumapat pa ang dalaga sa kinauupuan ni Diether at ng dyowa nitong si Reema Ostwani. Ang magdyowang Diet at Reema, deadma lang daw sa eksena ni Kristine.

Naku, hanggang ngayon ba naman ay hindi pa nakaka-move on itong si Kristine? Feel pa rin ba niya si Papa Diet? Pakisagot nga!

Ang tsika pa sa amin, pati ang isang aktres ay napansin ang eksena ni Kristine. Tinawag nito ang isang kasama sa hanap-buhay para sabihin ang na-notice niyang kakaibang gesture ni Tintin noong gabing iyon.

by Alex Brosas