Krista Ranillo, todo-tanggi sa ‘buntis’ issue! – Chit Ramos

ADVERTISING

Krista Ranillo, todo-tanggi sa ‘buntis’ issue! - Chit Ramos

Krista Ranillo, todo-tanggi sa ‘buntis’ issue! - Chit RamosNA-FRONT PAGE SA atin ang diumano’y tuta ni Krista Ranillo na tulad ng sexy actress ay bumiyahe raw sa eroplano nang nasa business class din. 500 dollars daw ang halaga ng flight ng tuta na ang pangalan pala ay Sophie.

ADVERTISING

“Sana, nagtanong po muna sila sa airlines kung totoong may business class na makukuha para sa pet,” paglilinaw ni Krista. “Nasa cargo po lahat ng dalang pets. At hindi naman ganu’n kamahal ang babayaran, ipagtanong n’yo pa.”

Actually, akala ni Krista ay tapos na ang “unos” sa kanyang pagbabalik. New year na nga at sana mga bagong balita na ang pag-usapan. At hindi petty things like her pet Sophie. “Hindi rin po si Sophie ang kasama niya sa front page na lumabas. Iniwan ko po si Sophie sa Los Angeles with my sister Trixie and mom (Lynda) and Dad (Mat). Magtatagal-tagal  pa rin sila roon. Marami pa kasing check-ups na gagawin kay Trixie. Ako lang po ang mag-isang umuwi ngayon, dahil, pati utol kong si Kevin ay babalik na sa trabaho niya bilang chef. Pareho po silang U.S. citizen ni Trixie kaya’t marami silang privilege doon. Ako lang po ang isinilang dito sa ‘Pinas kaya hindi po ako puwedeng magtagal doon”.

Nag-grant na rin si Krista ng interview tungkol sa bagong issue na buntis daw siya. “It’s not true. I have never set foot in the hospital na sinasabi nilang nagpa-check up ako. My workload was really that hectic, so I never had a chance to go to Cebu. As I said in interviews before, I shot the movie with Manny (Pacquiao), taped for Tonyong Bayawak with Coco Martin for the Kapamilya network. Pagbalik ko naman ngayon, diretso ako sa taping at pumirma ng bago kong product endorsement. I am happy to tell you na may offer din ako sa Chan. 5 to host for a talk show. Sana, tulad ng Juicy ang ibigay sa akin,” aniya.

ADVERTISING

Speaking of Tonyong Bayawak, sobra raw palang nakapapagod ang action scenes. “Maliit kasi akong babae. Buti na lang, maliit din si Coco, kung kaya’t patas lang ang height namin. Like Wapakman, kontrabida pa rin ang role ko at si Nikki Gil ang leading lady. Mas marami lang kaming eksena ni Coco, dahil magkakampi kami sa una at magiging magkaaway sa bandang huli.”

Nagpapasalamat agad si Krista nang tanungin namin tungkol kay Coco as a co-star. “Hay, salamat at naiba. Madaling i-describe si Coco dahil napakagaling niyang artista. He’s also a real gentleman. Maasikaso siya. Lagi niya akong kinukumusta kung okey ako at kung ano ang kailangan ko. Matanong siya. Para raw maging comfortable ako sa mga eksena namin. He’s really very helpful.”

SOBRA NAMAN ANG paghahanda sa birthday concert ni Megastar Sharon Cuneta bukas, Martes sa Araneta Coliseum. Sangkatutak na artista ang nagprisinta para maging bahagi ng Araneta concert. This includes Kris Aquino no less, with matching husband James Yap and son Baby James. Makakasabay nila sa isang special number ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Kung hindi ako nagkakamali, live na kakanta ang pamilya ni Kris, gayundin ang mag-asawang Judai at Ryan. Sobra ang excitement, gayundin ang paghahanda ng isa sa host ng SNN (Showbiz News Ngayon). Pansamantala nga siyang lumiban sa talk show dahil sa matinding practice.

Kung napanood sa Sharon ang interview ni KC Concepcion sa kahapon, mapapanood din ang isang one-on-one never before seen live sa Araneta.

“This is the first time I am interviewed by my daughter. Kung dati-rati, ako ang nag-i-inteview at nang-i-intriga sa kanya, it’s her turn now. Naku, ang anak kong ‘yan, nag-warning na sa akin na dapat kong sagutin ang lahat. Lahat-lahat daw ng inihanda niyang mga tanong ay kailangang may sagot. Gusto ko tuloy kabahan,” pahayag ni Mega.

Incidentally, aware naman si Mega at inaamin niyang may problema siya sa weight ngayon. I will do something about this. I have to prepare for my movie with Ate Vi (Vilma Santos). I keep on reminding Star Cinema na nakalagay sa contract ni Ate Vi na gagawa kami ng movie this year. Same with my contract. Na gagawa rin ako ng movie with her.

BULL Chit!
by Chit Ramos

ADVERTISING