Krista Ranillo, susundan si Manny Pacquiao sa US? – Tita Swarding

ADVERTISING

Krista Ranillo, susundan si Manny Pacquiao sa US? - Tita Swarding

Krista Ranillo, susundan si Manny Pacquiao sa US? - Tita SwardingOLACHIKKA! HINDI RAW nakapasa sa psychological test ang kapatid ni Robin Padilla na si Rustom ay este BB Gandanghari pala. Kaya hindi raw natuloy ang balak nitong magpa-sex change, huh!

ADVERTISING

Pero kahit hindi natuloy ang balak ng hitad na bakla, bakla raw o, charot, ay happy siya dahil sabik na siyang maipasok sa kulungan.

Yes, trulily mga kafatid, sabik na ang kapatid ni Robin na pumasok sa kulungan dahil marami raw mga lalaki doon sa loob at hindi raw siya mawawalan.

Kaloka! Pero bukod sa tanggap na raw ni Robin at ng mommy nila na si Mommy Eva kung ano at sino si BB Gandanghari ay hindi naman daw niya mapipigilan kung sakaling iibig ang hitad. Na kay BB na raw ito, pero kung maaari raw ay hindi raw muna ito mag-boyfriend. Ano raw? Ha! Ha! Ha! Nalerke ako ru’n, ha!

ADVERTISING
[ad#post-ad-box]

Handa na rin daw makipagbarilan si BB Gandanghari sa bago nitong pelikula na ididirek ng kapatid at excited raw ito dahil kakaiba ang kanyang gagampanang papel sa pelikula. Aabangan ‘yan!

Kaya ngayon palang daw ay may naunang bayad na para si Robin kay BB, iang brand new Honda CRV. Hmmmm..bonggacious ang beauty ng hitad.

Kaya nasabi ni BB na handa siyang makulong ay dahil sa gagawin niyang movie ay makukulong ang character niya. Bukod sa iddirek siya ng kapatid si Robin, ang actor din daw ang producer ng movie na ito.’Yun na!

NU’NG ISANG ARAW lang nakaalis ang Team Pacquiao.

Pero ano itong nasagap kong tsika na susunod din daw ang anak ng actor na si Matt Ranillo III na si Krista Ranillo sa Amerika upang sundan ang Pambansang Kamao?

Ito raw ang naunang balak ng aktres at alam daw ito mismo ni Pacman.

Ang tanong, alam ba ito ng asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao? Naku, ha! Magulo ito, magulo pa ito sa buhok ng negro.

Pero ang dagdag na tsika, hindi naman daw mag-isa na aalis ang actress dahil kasama raw ang ama nitong si Matt sa States upang manood na rin daw ang laban ni Manny at ni Cotto. Noon pa raw ay gusto nang manood ni Krista ng laban ni Manny nang live.

Boksing kaya o iba ang pupuntahan? Charot lang!

Pero ang kararating lang na tsika, inimbitahan daw ng Pambansang Kamao ang Superstar na si Nora Aunor sa gagawin nitong thanksgiving concert sa Amerika matapos ang laban nito kay Cotto. Ito raw ang nakarating sa kampo ng superstar at mismong si Manny raw ang nag-imbita sa Superstar upang dumalo ito.

Naku, isa rin na aabangan ito. ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING