Krista Ranillo, sumunod kay Pacquiao sa US?!

Krista Ranillo, sumunod kay Pacquiao sa US?!COINCIDENCE?! NASA AMERIKA ngayon si Manny Pacquiao na at puspusang nagte-training sa Wild Card Gym ng kanyang coach na si Freddie Roach bilang paghahanda sa nalalapit na laban ng Pambansang Kamao sa pambato ng Ghana na si Joshua Clottey na gaganapin sa Dallas Cowboys stadium sa March 13.

Noong Sabado naman ng gabi, namataan ng ating kamerang-gala sa Ninoy Aquino International Airport si Krista Ranillo nang umalis ito sakay ng Philippine Airlines patungong Los Angeles, USA. Halos umiiwas nga raw si Krista sa mga showbiz reporters na nagko-cover sa kanyang pag-alis. Ang tsika naman, bantay-sarado nga raw ng kanyang bodyguards ang sexy actress.

Kaya raw nagpunta si Krista sa US ay para dalawin ang kapatid nitong maysakit. ‘Yun nga lang, hindi maiiwasang pagduduhan ang timing ng pagpunta ni Krista sa Amerika. Coincidence nga lang ba… o sadyang kailangan ni Manny ng lucky charm sa katauhan ng sexy actress? Hmmm…

Ni Dani Flores

PHOTOS BY PARAZZI WIRES