Krista Ranillo, sinundo ng isang militar sa airport?! – Gorgy’s Park

Krista Ranillo, sinundo ng isang militar sa airport?! – Gorgy’s ParkTotoo kayang isang military man ang sumundo kay Krista Ranillo sa airport nang dumating ito galing Los Angeles, California nu’ng nakaraang Linggo ng umaga?

Parang alam naman ng lahat kung sino ang nag-request para mabigyan ito ng proteksiyon at hindi ma-interview ng media kaya nalusutan nila ito at walang nakapag-interview sa kontrobersiyal na aktres.

Nakausap ko ang manager ni Krista na si Arnold Vegafria nu’ng araw na dumating si Krista at ayaw na niyang mag-commit kung magsasalita ang kanyang alaga.

Ang concern lang daw niya sa ngayon ay mabigyan ng trabaho si Krista dahil kailangan na raw nitong bumalik sa trabaho. Marami na raw itong commitments na kailangang tapusin kaya dapat ngang bumalik na siya ng bansa.

Meron pang tatapusin si Krista sa Wapakman kaya kailangan na niyang bumalik.

Nu’ng nakaraang linggo nga, kumuha na lang daw sila ng double ni Krista para mairaos lang ang ilang eksena.

Nag-text naman si Krista kay Tim Yap na host ng bagong showbiz-oriented talk show na Tweetbiz sa QTV na nagpapasalamat ito at isa raw ito sa nagtatanggol sa kanya.

Ang sabi pa raw sa text ni Krista sa kanya, “In God’s time, I will speak up.”

Reaksiyon nga ng mga bakla, “Hay naku! Ginamit na naman ang Diyos!”

SUCCESSFUL ANG GRAND Fan’s Day ng Stairway to Heaven nu’ng nakaraang Linggo na ginanap sa Skydome ng SM North Edsa.

Ang dami pang mga fans na hindi nakapasok dahil punung-puno ang naturang venue.

Ngayong linggo na mapapanood ang pagtatapos ng Stairway to Heaven at madramang-madrama na ito.

Pati sa farewell promo nito sa SOP nu’ng nakaraang Linggo, madrama si Rhian Ramos na hindi napigilang maluha habang nag-i-emote sila sa stage.

Sabi ni Rhian, in character lang daw siya bilang Jodi na kailangang umiyak siya habang yakap-yakap siya ni Dindong Dantes. Pero si Dingdong naman parang dedma lang, kaya tuloy ang tingin namin, mas nag-i-emote si Rhian sa pagtatapos nito habang si Dingdong ay parang wala lang.

Sabi naman ni Rhian, na-enjoy niya nang husto ang ilang buwang pagti-taping nila sa Stairway at ang dami raw niyang natutunan at nabuong friendship.

Isa na rito si Dingdong na inaasahan niyang sana matuloy ang friendship nila ng aktor kahit hindi na sila magkatrabaho.

Siyempre, ingat naman siya dahil alam naman ng lahat kung kanino ang commitment ng aktor.

Mas excited na ngayon si Dingdong dahil ang pagkakaalam niya, si Marian ang makakasama niya sa susunod nitong gagawing project sa GMA-7.

Sa ngayon, gusto raw muna niyang mag-concentrate bilang host ng Family Feud dahil iba naman daw ito sa kanya at nagi-enjoy daw siya sa panibagong trabahong ito.

By Gorgy’s Park