Krista Ranillo, sinisisi ni Mommy Dionesia sa pagka-flop ng Wapakman?! – Tita Swarding

Krista Ranillo, sinisisi ni Mommy Dionesia sa pagka-flop ng Wapakman?! - Tita SwardingKrista Ranillo, sinisisi ni Mommy Dionesia sa pagka-flop ng Wapakman?! - Tita SwardingOLA CHIKKA! MAHULAAN n’yo kaya kung sino ang pahuhulaaan ko sa inyo ngayon? Naku, mga kafatid! Kapapasok lang ng bagong taon, itong si sikat na bading na YV host ay gusto ring magpaputok! Hahaha!

Noon pa man ay tahasang sinasabi nitong TV host na lalaki ito at hindi raw siya bading. Pero sa kanyang mga galaw at salita pa lang, sobrang halata na nga ito, huh!

Ang chikka ng aking parazzi girl, kinuha raw itong si sikat na male TV host sa isang probinsiya kung saan may festival ngayong buwang ito. Ang nakakaloka, nakabayad na raw ng kalahati ang kumuha kay male TV host, pero sumimple pa raw ng hirit itong si male TV host. Bukod sa accomodation ay humirit pa ang hitad, huh! Kung puwede ba raw ay may lalaki na free. Nakakaloka, ha?! Sabay-sabi raw ni male TV host sa kumuha sa kanya ng, “Joke lang po. Nagbibiro lang!”

Ganu’n?! Puwede bang idaan sa biro ang ganyan? Nakakaloka itong si male TV host na ito, ha? Kahit ipagsigawan pa niya na lalaki siya, pilantik pa lang ng kanyang mga daliri ay alam ko na. It takes one to know one, ‘ika nga, ‘di ba?

Nalurke ako du’n, huh! Hehehe! Hindi na kailangan ng clue, dahil alam n’yo na ito. ‘Yun na!
HOW TRUE ANG chikka na ito fresh from General Santos City pa? Na sinisisi raw ng ina Pambansang Kamao na si Mommy Dionesia si Krista Ranillo kung kaya’t hindi kumita ang pelikula ng anak nitong si Manny Pacquiao, huh! Kaya tuloy naging first day-last day ang pelikulang Wapakman na hindi pinilahan ng tao. Nakakaloka, ha?!

Ayon daw sa ina ni Manny Pacquiao, kung nagsalita lang daw itong si Krista noon pa at hindi na pinalaki ang isyu na may namagitan sa kanila ng anak niya, hindi raw sana aabot sa ganu’n at malamang na kumita pa raw ang pelikula ng anak nito.

Dahil sa puro nagative daw ang balita, apektado rin ang pelikula at hindi lang daw ang pelikula, pati ang pamilya raw ng anak nito. Hmmm… may puntos ka rin d’yan, Mommy D.

Pero nakakaloka, huh! Dahil nang matanong noon ng aking parazzi girl itong si Mommy Dionesia sa ribbon-cutting ng museum ni Imelda Papin kung kilala ba niya si Krista, sinabi nitong hindi niya kilala at hindi pa sila nagkikita.

Pero ngayon, kung totoo man itong mga sinasabi ni Mommy Dionesia na sinisisi niya si Krista, malamang na nagkaharap na sila, huh! Naku, ha?!

Pero buo raw ang suporta ng ina ng Pambansang Kamao sa kandidatura ng jukebox queen na si Imelda Papin. Naku, Mommy D, ano naman kaya ang masasabi ni Imelda sa chikka na ito? ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding