Krista Ranillo, pati aso business class sa biyahe sa Amerika?! – Gorgy’s Park

Krista Ranillo, pati aso business class sa biyahe sa Amerika?! – Gorgy’s ParkDUMATING NA PALA si Krista Ranillo nu’ng kamakalawa at walang media na nakatunog sa pagdating nito kundi ang Startalk lang.

Kaya abangan n’yo sa Sabado dahil may exclusive interview ang Startalk sa kanya.

Una, itinatanggi nito ang isyung buntis siya kaya bumalik ito agad dahil kailangan na nitong magtrabaho uli.

May commitment si Krista sa ABS-CBN 2 dahil kasali ito sa susunod na Agimat na papalit sa Pepeng Agimat ni Jolo Revilla.

Nakausap ko ang manager ni Krista na si Arnold Vegafria at nagulat nga raw ito nang tumawag na lang sa kanya si Krista para sabihing dumating na ito. Diretso na ito ng taping at gusto na raw niyang mag-focus na lang sa trabaho dahil tingin nito tapos na ang intrigang kinasangkutan nito.

Pero ewan ko lang dahil mainit pa rin silang pinag-uusapan at marami ang humuhulang meron pang sasabog sa isyung ito nina Manny Pacquiao at Krista.

Basta abangan n’yo na lang sa Startalk ang exclusive interview sa napaka-kontrobersyal na si Krista Ranillo.

May nagkuwento pala sa akin na bongga raw itong biyahe ni Krista sa Amerika. Lahat daw sila naka-business class pati raw ang paborito nitong aso dala niya.

Alam n’yo naman na ang pamasahe ng isang aso sa eroplano ay pareho na rin sa isang tao.

Lalo na kung naka-business class pa ito, madugo ang ginastos at ibig sabihin sobrang madatung ito.

NAG-CELEBRATE PALA SI Katrina Halili ng 24th birthday niya nu’ng Lunes pero wala naman itong handaan dahil may trabaho siya.

Nagti-taping ito sa Darna pero mabuti’t pinayagan naman itong ma-pack-up nang maaga.

Wala naman daw special someone na kasama si Katrina sa araw na ‘yun pero masaya siya dahil kasama nito ang pamilya niya at malalapit na kaibigan.

Isa na nga rito si Kris Lawrence na minsan ay nakikita pa ring magkasama sila.

Hindi naman ito itinatanggi ng seksing aktres pero magkaibigan na lang daw talaga sila ni Kris at nagpapasalamat ito dahil nandiyan lang daw sa likod niya para sumuporta.

Pagdating sa pag-ibig ay hindi pa handa si Katrina at hindi naman daw siya naghahanap sa ngayon.

Kung darating, darating daw ‘yun at bahala na raw ang Diyos kung sino ang tamang lalaking para sa kanya.

Sa kaarawan ni Katrina ay balak nitong mag-gift-giving sa mga babaeng naabuso o nangangailangan ng tulong.

Magmula nang nasangkot ito sa eskandalong sex video ni Hayden Kho, parang advocacy na rin ni Katrina na tumulong sa mga abused women.

Naghahanap lang daw siya ng bakanteng schedule at doon daw niya gagawin ang gift-giving hindi lang sa mga babaeng naabuso kundi pati na rin daw sa mga street chidren.

By Gorgy’s Park