KRISTA RANILLO, nasalisihan si Jinkee Pacquiao?!

ADVERTISING

KRISTA RANILLO, nasalisihan si Jinkee Pacquiao?!KRISTA RANILLO, nasalisihan si Jinkee Pacquiao?!KAHIT NAGPAYAHAG NA si Angel Locsin na hindi na niya ie-entertain ang muling panliligaw ni Luis Manzano, itutuloy pa rin pala ng aktor ang kanyang panunuyo sa aktres. “Wala naman akong nakikitang masama kung maging makaibigan pa rin naman kami, ‘di ba?” Pahayag ni Luis na nagsabi pa ring marami talaga siyang naging pagkukulang sa dating katipan.

Sinabi pa ni Luis na hindi niya masisisi kung hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob sa kanya ni Angel. “Basta sa ngayon, hindi pa ako titigil kasi ang sabi lang naman niya ay huwag akong masyadong mag- e-effort. Siguro dahil marami rin naman akong dapat tapusing commitment, ‘di ba?”

Malaki ang paniniwala ni Luis na muli niyang mapapaibig ang aktres lalo pa’t tapat naman ang inaalok niyang pagmamahal dito at sinsero naman siya sa balak niyang pakikipagbalikan.

TAWA NANG TAWA si Ruffa Gutierrez nang mapanood nito na umaarte ang dalawa niyang anak na sina Venice at Loren sa Goin’ Bulilit noong February 14. “Oh, my God! Nakatutuwa talaga sila. Mas fluent mag-Tagalog si Loren than Venice,” tumatawang pahayag ni Ruffa na nagsabing bago pa mailabas ang first TV appearance ng kanyang mga anak ay naubos na nito ang talent fee na ibinayad ng channel 2.

“Alam mo naman ang mga anak ko saksakan ng arte talaga, kaya hayun ipinang-shopping nilang lahat ‘yung talent fee nila. Actually, abonado pa nga ako dahil ang dami-dami nilang binili.”

ADVERTISING

Ayon kay Ruffa, hindi raw niya pipigilan sina Venice at Loren kung gusto ng mga ito na mag-artista. “Kung gusto talaga nilang mag-artista, why not? Alangan namang pigilan ko sila, e, kanino ba sila mana? Obvious ba na sa pag-aartista kami nabubuhay, ‘di ba?

Sinabi ni Ruffa na ang paglabas ng dalawa niyang anak ay hindi na niya inihingi pa ng pahintulot kay Ylmaz Bektaz. “Ano ba ang magagawa niya, nasa custody ko ang dalawang bata at alam ko kung paano ko iha-handle ang future ng mga bagets at hindi ko na siya kailangan pa.”

Sa katatapos na Valentine’s Day, sinabi ni Ruffa na apat na taon na siyang hindi nagdiriwang ng Valentine’s dahil hindi na siya nagmahal pa ng ibang lalaki. “For me, enough nang sina Venice and Loren na lang ang mahalin ko.”

Samantalang biglang nairita si Ruffa nang itanong sa kanya ng Parazzi kung ano ang kanyang reaction dahil siya ang itinuturong dahilan kung bakit lumala ang balitang tinuruan ni John Lloyd Cruz na uminom ng alak si Shaina Magdayao pati na ang mga naglabasang picture ng aktor na kung saan ay lasing na lasing ito sa isang bar sa Makati.  “Ayokong patulan ang mga ganyang issue. That is a nonsense, please!” ‘Yun lang ang binitiwang pahayag ng aktres.

Tungkol naman sa pagbabati ng kanilang pamilya at ng isang entertainment website ay mariing sinabi niya na masaya siya. “Actually ‘yung apology lang naman na iyon ang hinihingi namin sa kanila at hindi naman kami mahirap kausapin kaya masaya na rin ako dahil at long last tapos na ang kaso and mabait naman sa amin si Tita Joan Maglipon kaya tama lang na matapos na ang issue.”

NEWS BLACK-OUT ANG drama ngayon nina Michael de Mesa, Cherie Gil at maging ang buong pamilya nina Gina Alajar kaugnay sa isyung si Krista Ranillo ang tunay na dahilan kung bakit tuluyang nasira ang magandang pamilya noon nina Michael at Gina Alajar.

Ayon sa aming source, ni isa sa pamilya ni Gina at Michael ay walang mgsasalita tungkol sa isyu para tuluyang mamatay na ang nasabing usapin na hanggang ngayon ay patuloy na pinagpipiyestahan sa showbiz.

Sa kabilang banda, kahit bantay to death si Jinkee Pacquiao kay Manny Pacquiao ay mukhang “nakaisa” sina Manny at Krista bago pa dumating ang Valentine’s Day. Ayon sa aming source, binigyan daw ni Manny ng pang-shooping si Jinkee at nu’ng makaalis ang asawa ay tsaka naman palihim na nagkita si Krista at ang Pambansang Kamao.

Limang oras daw mahigit na magkasama sina Manny at Krista bago pa mag-Valentine’s kaya bago pa dumating ang Araw ng mga Puso ay nakapiling na ng sexy actress si Pacman.

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING