Krista Ranillo, nakatikim na kay Manny Pacquiao?! – Lolit Solis

Krista Ranillo, nakatikim  na kay Manny Pacquiao?! - Lolit Solis

Krista Ranillo, nakatikim  na kay Manny Pacquiao?! - Lolit SolisINIIWASAN NA RIN ni Mommy Dionisia Pacquiao na pag-usapan ang intriga kina Manny Pacquiao at Krista Ranillo.

Sabi lang niya, ganu’n daw talaga kapag sikat laging naiintriga. Pero lagi raw niyang sinasabi kay Jinkee Pacquiao na huwag magpapaapekto sa mga ganu’ng intriga. Isipin daw nito na siya ang reyna sa buhay ni Manny at walang makaaagaw sa trono niya bilang Reyna ng Gensan.

Marami na ring mga malalapit na kaibigan ni Manny ang naiirita sa intrigang ‘yun dahil ang tapang din naman nitong Krista pati ang tatay niyang si Matt Ranillo III ay kasama rin kung nasaan sina Manny at Krista.

Nu’ng namigay ng relief goods si Manny sa mga binagyo sa Angono, Rizal, nandu’n talaga si Krista para samahan ito.

Nakarating na pala ito kay Jinkee at nagalit na ito. Pati nga ang ilang taong kasama roon ni Manny ay nadamay sa irita ni Jinkee. Pero in fairness naman sa kanila, wala naman silang magagawa, ‘di ba?

Ito naman kasing si Krista, alam naman niyang natsitsismis sila, nakabuntot pa rin kay Manny.

Nu’ng nakaraang send-off party nga kay Manny na may pamisa sa kanya ang GMA-7 bago ito umalis pa-Amerika, nandun din daw ito at naka-display din kahit irita na ang ilang mga malalapit na kaibigan ni Manny at may concern sa kanilang mag-asawa.

Kaya tuloy parang gusto ko nang maniwala du’n sa kumakalat na nakatikim na sila ng limang milyong piso mula kay Manny.

Nu’ng natsismis nga si Ara Mina kay Manny, never n’yong makitang magkasama ang dalawa. Hanggang tsismis lang at hindi mo nakikitang nakabuntot si Ara kay Manny. Pero itong Krista, ibang klase!

Mukhang totoo na ngang break na sila ng matagal na niyang boyfriend na si Direk Dominic Zapata na tahimik lang sa mga kumakalat na tsismis.

Wish pa rin nating lahat na maganda para kay Manny ang resulta ng laban nito kay Cotto dahil kung hindi, naku day! Kay Krista ibabagsak ang sisi niyan.

IKINUWENTO NI GINA Alajar sa presscon ng bagong episode ng SRO Cinemaserye nu’ng nakaraang Linggo, na nakatakda nang magpakasal ang panganay niyang anak na si Ryan sa non-showbiz girlfriend nitong si Cathy ang pangalan. Namanhikan na raw sila sa pamilya nu’ng babae nu’ng nakaraang buwan at naka-schedule na raw ang kasal sa February 2010.

Excited si Gina dahil botong-boto raw ang buong pamilya sa pakakasalan ng anak niya kaya pinaghahandaan na nila ito ngayon pa lang.

Si Geoff Eigenmann daw ang bestman at tiyak na uuwi rito ang isa pa nitong anak na si AJ na nag-aaral sa Amerika.

Malamang na darating din ang ama ni Ryan na si Michael de Mesa na sabi naman ni Gina, kung hindi ito darating, choice niya ‘yun at okay lang sa kanya. Mukhang dedma lang naman si Gina kung darating ang dating asawa dahil aminado naman itong hindi sila okay. Civil lang daw sila para sa kanilang anak, hanggang du’n lang.

Kasali si Gina sa SRO Cinemaserye na Carinderia Queen na pinagbibidahan ng anak niyang si Geoff at siyempre ka-partner pa rin si Carla Abellana.

Kasali rin pala rito ang ama ni Carla na si Rey PJ Abellana na tuwang-tuwa rin dahil first time nilang magkasama sa project na ito ng GMA-7.

Abangan n’yo ang pagsisimula nito sa Huwebes, bago mag-Saksi.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis