Krista Ranillo, Bugbog-Sarado! – Chit Ramos

ADVERTISING

Krista Ranillo, Bugbog-Sarado! - Chit Ramos

Krista Ranillo, Bugbog-Sarado! - Chit RamosMALIBAN KAY ARNOLD Vegafria (manager ni Krista Ranillo), walang nagtatanggol sa panganay ni Matt Ranillo III sa kaliwa’t kanang banat na ito raw ang apple of the eye ni Manny Pacquiao ngayon.

ADVERTISING

Lalo pa itong lumalala ngayong nanalo si Manny laban kay Miguel Cotto sa Las Vegas. Bugbog-sarado na nga si Krista. Puno na ng latay ang kanyang murang katawan. Lahat na yata ng masasamang salita na puwedeng itapon kay Krista ay nasabi at nasulat na sa mga talk shows at diyaryo, lalo na mula sa mga taong hindi man lang nakatulong o naawa sa kanya when she was just struggling to make a name for herself para makatulong sa kanyang pamilya, particularly sa bunsong kapatid niyang si Trixie na ngayon ay nakatakdang operahan (last stage ng cleft palate) sa States.

Kahit ang only son ni Matt (si Keven) ay nawalay rin sa kanila for a while at nagtrabaho bilang chef sa Saudi at U.S. para makadagdag sa gastusin ng bawat operasyon.

Pagsama-samahin man ang lahat ng kanilang kinikita, hindi pa rin sapat sa pangangailangan ni Trixie. Alam kaya ito ng mga nanghuhusga sa kanila?

ADVERTISING

Magmula nang isilang si Trixie hanggang ngayon na kinse anyos na siya, iginagapang siya ng kanyang pamilya. Wala silang hindi gagawin para maging normal siya. Nag-undergo na si Trixie ng series of operation at lahat ng ito’y ginagawa sa States.

Si Trixie ang dahilan kung bakit nasa States sina Matt at asawa niyang si Lynda. Kataka-taka ba kung sumunod si Krista para suportahan ang bunsong kapatid? Ipaghalimbawa pang si Manny ang nag-sponsor ng trip ni Krista, siya lang ba ang ini-sponsor ni Manny?

Diring-diri ang isang TV host na ipinakikita sa kanyang co-hosts ang text message sa kanya ni Jinkee Pacquiao. Hindi kaya ito bunga ng kanilang panunulsol para lamang makauna siya sa balita? Para namang hindi siya nagdaan sa ganito ring situwasyon. Look who’s talking?

Kapuna-puna lang na sa lahat ng eskandalong ito, wala tayong naririnig kay Krista na nagde-deny o nagko-confirm. Pati si Matt ay sinasabi ring makapal ang mukha dahil tino-tolerate daw ang anak at sinasamahan pa tuwing magkikita sila ni Manny. ‘Pag hindi naman sinamahan, may sinasabi pa rin. Damn if he does, damn if he doesn’t?

Kaya, tama lang siguro ang ginagawa ni Krista (maging kanyang ama). May laban ba naman sila, samantalang ipinapako na sila sa krus!

MARAMI NA ANG nakakita kay Trixie at sa kanyang kapansanan. Isa na rito si Piolo Pascual na favorite actor niya. Piolo made Trixie very happy when he posed with her in a photo na nakalagay sa sala ng bahay ng mga Ranillo rito sa Cinco Hermanas (sa Marikina). Ipinakiusap din sa inyong lingkod ni Trixie na makita niya sa personal si Maja (Salvador). Pero, sobrang busy ang actress kung kaya’t hindi pa niya nagagawang dalawin ang dalagita.

Hindi ako magtataka kung nakita na rin ni Manny si Trixie at nag-alok itong tulungan si Matt sa operasyon ng bunsong anak. Sa dami ng tinutulungan ni Manny, hindi kataka-taka kung tulungan niya ang kapatid ni Krista.

Unang una, kababayan niya si Matt. Bisaya sila kapwa. Nakatakda ring kumandidato si Matt sa Dipolog (Zamboanga del Norte) sa darating na eleksiyon. Hindi rin kataka-taka kung tulungan din siya ni Manny, dahil pareho silang pulitiko.

Lalong hindi kataka-taka kung nanood si Krista kasama ni Matt sa laban ni Pacquiao sa Las Vegas. Kung pinadalhan sila ng tickets ni Manny, tatanggihan  ba nila? Kung si Willie (Revillame), pinasundo pa ni Manny, dahil nag-aatubiling manood ng kanyang laban, masama ba kung pinasundo niya rin ang mag-anak ni Krista?

Maraming bagay tayong hindi alam na tanging si Krista lang at Manny ang makapagbibigay-linaw. May tamang panahon din para sa katotohanan. At ipagtatapat marahil ito ni Krista kapag malapit nang ipalabas ang pelikula nila ni Manny na pinamagatang “Wapakman.”

Sa pelikula ring ito (kung saan leading lady ni Manny si Krista) nagsimula ang lahat.

Mahiwaga rin ang sagot ni Manny nang tanungin kung totoo ang tungkol sa kanila ni Krista. “No comment!” Tangi niyang nasabi. Malay natin, kung si Manny pa ang magbigay-linaw kung ano talaga ang totoo. Natitiyak kong ipagtatanggol din ni Manny si Krista sa tamang panahon at pagkakataon.

BULL Chit!
by Chit Ramos

ADVERTISING