Krista Miller, rumaraket sa Munti?

ADVERTISING

Krista Miller, rumaraket sa Munti?

Krista-MillerKASAMAHAN NAMIN dati sa Startalk ang manager ng starlet na si Krista Miller na na-link ngayon sa kilalang convicted druglord na si Ricardo Camata na.

Alam n’yo naman siguro ang kuwento tungkol sa special treatment sa mga mayayamang nakakulong sa Muntinlupa, ‘di ba? Nabunyag nga ito ngayon dahil sa nalamang hinahayaan pala ng mga pulis na magpa-check-up sa hospital itong si Camata na hindi naman ganu’n kalubha ang kalagayan.

Nalaman pang may mga babaeng dumalaw sa kanya, at isa nga raw roon itong si Krista Miller na dating na-link kay Cesar Montano.

Tinawagan ng Startalk crew namin ang manager ni Krista na si Annie Ayroso at nagulat siya dahil hindi naman daw sure kung siya ba talaga ‘yun.

ADVERTISING

Hindi pa raw niya nakakausap ang alaga niya, pero tatanungin daw niya. Hindi raw kasi ma-contact sa ngayon. Palagay ko ayaw pa munang magsalita ‘yan. Iniiwasan pa siguro ang isyung ‘yan.

Pero roon ko nalaman na marami palang artistang rumaraket sa Muntinlupa at doon nakikilala ang ibang mga mayayamang nakakulong doon.

Dati nga raw isang miyembro ng all-girl sexy dance group, naging dyowa na ng isang mayamang nakakulong doon.

Nakalabas na itong mayamang nakakulong, ngayon ay kasama na niya at hindi na pinatuloy sa pagsasayaw.

Ang dami palang mga artistang karamihan mga sexy stars ang rumaraket doon sa Munti at nagsi-show sila roon.

Ang gumagastos daw, itong mga mayayamang nakakakulong at ang madalas daw na gumagastos ay itong si Camata.

Bongga raw silang mag-give sa mga artista, na kung susuwertehin ka, mataypan ka ng mayamang nakakulong, maging dyowa ka agad at may allowance ka na bonggang-bongga.

Matagal na palang raket ‘yan na baka hindi n’yo lang alam.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING