Krista Miller, pinag-uusapan na naman dahil sa droga

ADVERTISING

Krista Miller, pinag-uusapan na naman dahil sa droga

Krista Miller
Krista Miller

Kaliwa’t kanan ang mga timbugan sa mga taga-showbiz na nahuhuli at sangkot sa droga.

Last week, nahuli sa akto si Sabrina M. at kahapon ay si Krista Miller, na sa mga headline sa telebisyon at dyaryo, tawag nila, mga “aktres” ang dalawa, na sa totoo lang ay hindi naman. Mga starlet sila.

Please lang, paki-edit ang tawag sa dalawa dahil never silang naging aktres. Oks na tawagin silang starlet, dahil kung ita-tag sila as mga “aktres”, nakade-degrade naman sa legitimate actresses natin sa industriya na ihanay ang dalawa sa mga totoong aktres tulad nina Bea Alonzo, Angel Locsin, Vilma Santos, at kung sinu-sino pa na mga totoong artista.

Si Krista, siya ‘yong nasabit sa kuwento ng pagbebenta raw niya ng “condo” sa isang nahatulang “drug lord” na naka-confine noon sa ospital. Nakunan ng CCTV ang pagpasok ng starlet sa loob ng hospital room na naging malaking isyu pa.

ADVERTISING

Siya rin ang starlet na naging dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawang Sunshine Cruz at Cesar Montano na sa kagustuhan na maging sikat at mapag-usapan ay ibinandera pa niya ang mga regalo ng aktor sa kanya na naging mainit na topic para sa headlines at columns ng showbiz at entertainment reporters.

Sa katunayan, swak na swak itong si Krista at natupad ang pangarap niyang mapag-usapan na maging si Sunshine ay naapektuhan sa kung ano ang naging motibo niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING