Krista Miller, inaming minahal si Cesar Montano

ADVERTISING

Krista Miller, inaming minahal si Cesar Montano

Krista Miller, inaming minahal si Cesar MontanoMULING NAUNGKAT ang pagkaka-link ni Krista Miller kay Cesar Montano sa launching ng Red Magazine, kung saan siya ang cover girl ng June issue nito.

ADVERTISING

Again and again, pinagdiinan ni Krista na wala silang naging relasyon ni Cesar at trabaho lang ang namagitan sa kanila nang isama raw siya sa movie na idinirek mismo ni Cesar.

Pero kahit na anong tanggi ni Krista na may namagitan sa kanila ni Cesar, maugong pa rin na nagkaroon sila ng short-lived romance.

Kaya naman ask namin siya kung hindi ba niya minahal si Cesar Montano?

ADVERTISING

“Minahal ko si Cesar bilang director. Natural lang na mahalin mo ang director ng pelikula ginagawa mo, ‘di ba? Pero ‘yung relasyon na pilit na sinasabi nila, hindi kami nagkaroon ng relasyon,” pagdidiin ni Krista.

Malinis daw ang konsensiya niya at never niya raw magagawang sirain ang relasyon ng mag-asawa. Diyos daw ang saksi niya na wala siyang ginawang hindi maganda na makasisira ng isang pamilya.

Aminado naman si Krista na malaking tulong sa pag-aartista niya ang pagkaka-link kay Cesar. Pero ‘di raw niya ito ginamit para matupad ang matagal na niyang ambisyon maging isang artista.

“Thirteen years old pa lang ako ay kumakayod na ako. Naging extra at nagmo-modelling. Kaya naman ngayong nabigyan ako ng pagkakataon na makilala, hindi ko ito sasayangin,” say pa ni Krista.

Kaliwa’t kanan ang offer ngayon kay Krista. At dinagsa na rin siya ng endorsement sa tulong ng kanyang manager na si Tita Annie A.

Krista Miller, inaming minahal si Cesar Montano

HANGGANG NGAYON, ‘di pa rin nawawala sa pangarap ni Diva Montelaba na maging isang beauty queen balang araw. Kaya sa susunod na dalawang taon ay magti-training na siya para maging isang beauty queen at sana raw ay suwertihin siya kapag sumali na siya sa isang national beauty pageant.

“Bata pa lang ako, ‘yun na ang pangarap ko. Dream din ‘yun ng lola ko para sa akin. Ang lola ko ang nag-encourage sa akin na sumali sa mga beauty contest sa Cebu noon. Masuwerte naman at nananalo ako. Ang lola ko rin ang nagsabi sa akin na pasukin ko rin ang showbiz. Magiging stepping stone ko na ito sa dream ko maging isang beauty title-holder balang araw,” paliwanag ni Diva.

Ang problema, hindi na masasaksihan ng lola ni Diva ang mga pangarap nito sa apo dahil namayapa na ang kanyang lola noong November 2012, na sobrang ikinalungkot ni Diva dahil ito ang nag-aruga at nagpalaki sa kanya.

“Hanggang ngayon, naiiyak ako kapag naiisip ko na wala na ang lola ko. Siya kasi ang dahilan kung bakit ako nandito sa showbiz. Siya (lola) rin ang dahilan kung bakit ako excited umuwi ng Cebu parati.

“Ang lola ko ang kino-consider kong mommy ko, kasi sa kanya na ako lumaki. Hinabilin ako ng mommy ko sa kanya noong bata pa ako. Lumaki ako na walang ama at hindi ako naging close sa mommy ko. Tanging si lola lang ang tinuring kong magulang. Kaya sobrang apektado ako noong nawala siya,” maluha-luhang pahayag ni Diva.

Ngayong wala na ang kanyang lola, ipagpapatuloy pa rin ni Diva ang pangarap ng kanyang lola ang pag-aaartista at maging beauty queen balang araw. Kasama si Diva sa panghapon drama series ng GMA-7 na Maghihintay Pa Rin.

Kapag may bago nga raw siyang show, kaagad niyang ibinabalita sa kanyang lola. Ngayon ay wala na siyang lola na mababalitaan.

“Alam ko masaya na rin si lola kung nasaan siya ngayon. At alam ko masaya na rin siya dahil maayos naman ang takbo ng showbiz career ko,” pagtatapos ni Diva.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING