Kris Lawrence, umaming hiwalay na sila ni Katrina Halili

ADVERTISING

Kris Lawrence, umaming hiwalay na sila ni Katrina Halili

Katrina-Halili-Kris-LawrenceMAAGANG DUMATING sa Solaire Hotel si Kris Lawrence para mag-rehearse ng kakantahin kasama ang ibang pang nominado sa katatapos na 6th PMPC Star Awards for Music. Nagkaroon tuloy kami ng pagkakataong matanong ang tinanghal na R & B Artist of the Year.

Una ay bantulot pa si Kris na sabihin at aminin ang tunay na status ng relasyon nila ngayon ni Katrina Halili. ‘Di ba nababalitang hiwalay na raw sila ng sexy actress?

Ayon kay Kris, 5 months na silang hiwalay ni Katrina at humingi ito ng paumanhin sa hindi niya pagsasabi ng tunay na sitwasyon nila ni Katrina sa mga nakaraan niyang interview.

Hindi raw kasi niya alam kung paano aaminin sa press na hindi siya makao-offend sa side ni Katrina, at hindi raw maganda na sa kanya pa manggaling ang balita. Kaya itinago niya ang hindi naging magandang kinahantungan ng kanilang pagmamahalan ni Katrina.

ADVERTISING

Nang tanungin kung ano ba talaga ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni Katrina? Sinabi naman nito, pero nakiusap na off the record. Sabi pa ni Kris, hindi siya makapaniwala na wala na sila ni Katrina, samantalang hindi naman daw naging shaky ang kanilang relasyon.

Ipinag-aalala lang ni Kris ngayon ay ang kalagayan ng kanilang anak ni Katrina na si Katy. Gusto kasi nito na maging buo ang pamilya nila ng sexy actress hanggang sa paglaki ni Katy. Pero tila raw hindi na ito mangyayari.

Mutual naman daw ang naging desisyon nila ni Katrina at magkaibigan pa rin sila ngayon. ‘Yung romantic attachment lang daw nila ni Katrina ang nabago. Pero ‘yung responsibilidad at pagdalaw niya sa anak ay regular pa rin daw.

Gustuhim man daw ni Kris na ligawan muli si Katrina, tila malabo dahil ramdam daw niya na hindi pa ito ang tamang panahon para suyuin niya uli ang ina ng kanyang anak.

Nakarating na sa magulang ni Kris ang hiwalayan nila ni Katrina at nagulat daw ang kanyang mga magulang sa nangyari pero tinanggap na rin daw ng mga ito ang sitwasyon.

Tatlong taon ding tumagal ang relasyon nina Kris at Katrina.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING