Kris Lawrence, umaasang magkakabalikan pa sila ni Katrina Halili

ADVERTISING

Kris Lawrence, umaasang magkakabalikan pa sila ni Katrina Halili

Kris-LawrenceSI KRIS Lawrence ang nanalong RNB Artist Of The Year sa katatapos na 6th PMPC Star Awards For Music. Ang kanyang album naman na Spread The Love under GMA Records ang itinanghal na RNB Album Of The Year na isa rin sa nominees para sa Album Of The Year. Bukod dito, nominated din si Kris para sa Male Recording Artist Of The Year at pati na rin ang kanta niyang Ikaw Pala bilang Song Of The Year.

ADVERTISING

“I’m so happy with these awards. It feels so good!”aniya. “I feel very proud. I feel very honored. Dream come true talaga.”

May sentimental value raw sa kanya ang album niyang Spread The Love. May mga isinulat kasi siyang songs sa nasabing album para kay Katrina. Kabilang nga rito ang Hindi Na Matatanggap, Sabihin Mo Naman, at Try Again.

“That’s why it’s such an honor to be nominated. Kasi this is…. seriously I worked so hard in this album.”

ADVERTISING

Sapul nang mapabalitang break na sila ni Katrina, iniiwasan niyang magsalita kapag may mga nag-uusisa tungkol dito.

Mahal pa rin niya si Katrina sa kabila ng kung anumang problema at pinagdaraanan nila sa ngayon?

“Oo naman!” mabilis niyang sagot.

May effort ba siyang ginagawa ngayon para magkaayos sila? “Meron naman.”

Sa tingin niya, may chance pa na maging okey sila? May possibility pa rin na bumalik ang dating magandang pagtitinginan nila ni Katrina? “Sana po,” sabi na lang ni Kris.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING