Kris Lawrence, magre-release ng bagong single ngayong January

ADVERTISING

Kris Lawrence, magre-release ng bagong single ngayong January

Kris Lawrence, magre-release ng bagong single ngayong January
Kris Lawrence

 Ilalabas na ni Kris Lawrence ngayong January ang latest single niya titled “Isang numero”. Ito’y isinulat ni Noah Zuniga at produced and arranged by Marcus Davisk, Jr.. Sure ako na maraming music lovers at fans ni Kris, pati ng R&B ang gusto na itong marinig. 

Inusisa rin namin ang magaling na singer/composer kung ano na ang latest sa bagong project niyang “Trilogy”. “Itong ‘Trilogy’, I think it’s too late to release it this year, kasi kakainin ng Pasko, ‘di ba? So, what I’m gonna do, I’m releasing it top of the year, January 1st 2017 at 12 midnight. Eksaktong ia-upload ko na, bale ito ‘yung Part 1. 

“Kasi iyong ‘Trilogy’ part siya ng buong album, pero ‘yung ‘Trilogy’ ‘yung pinaka- focus ko. Mabubuo ito, siguro mga March. Kasi ang gagawin ko sa ‘Trilogy’, ‘di ba lahat sila may MTV? So, MTV part 1, part 2, part 3, after ng three, iko-compile ko, tapos magiging one fifteen minute short film, may mga eksena sa gitna bale. Mayroon akong leading lady rito, I’m shooting for ten songs.” 

Nabanggit din niyang proud siya sa song nila nina Jay-R at Daryl Ong titled “Regalo sa Pasko”. Inusisa namin si Kris ukol sa naturang kanta.

ADVERTISING

“Well the thing is, Tito Vehnee Saturno, he gathered us. Kasi I love working with Tito Vehnee, Jay-R loves working with Tito Vehnee. And si Daryl Ong, I think Tito Vehnee manages Daryl. So, gustong pagsamahin ni Tito Vehnee ‘yung mga R&B dito. I think, for me, Tito Vehnee’s R&B at heart, feeling ko hiphop artist siya sa puso. So, pinagsama niya and we came up with this really, really beautiful song entitled ‘Regalo sa Pasko’,” masayang esplika ni Kris. 

Dagdag pa niya, “Iyon ‘yung first song. Pero may niluluto kaming album. Actually nag-premiere ito sa MYX and ‘ayun, pang-Christmas lang, kasi ang tagal na walang bagong Christmas song.”

Paano niya ide-describe ang song na ito? 

Sagot ni Kris, “It’s a good song, very heart warming, if you watch the video, actually, I think na-touch ‘yung Mama ko sa video. Our director for the video pala was Nikki Tantiangco, ‘yung anak ni Tita Geleen, So, my Mom watched the video, I think it touched her, sabi niya, ‘Nakakaawa naman Christian sa ‘Pinas. Like magpapadala ako ng 200 dollars sa ‘yo, bigay mo sa mga bata.’ Naiyak ang Mom ko dahil kawawa naman daw ang mga bata.” 

Ipinaliwanag pa ni Kris kung paano nila ginawa ang video nito. “Thats what we did sa video, we did like a live shoot where nasa van kami, tapos naghanap kami ng homeless, mga ganoon… sumusunod ‘yung camera, mabilis lang. Actual, yeah, it was just live. 

“‘Regalo sa Pasko’, it’s like, your loved one, the one that you love, malayo siya. So, ikaw ‘yung pinakamagandang regalo sa amin para sa Pasko ‘pag umuwi ka na, parang ganoon,” nakangiting pahayag pa niya. 

Sina Jay-R at Billy Crawford ang malapit kay Kris, anong klaseng kaibigan ba sila?

“Mga bakla, ganoon silang kaibigan,” nakatawang saad ni Kris.

“Those are like my brothers na puwedeng sabihan ng problema, lalo na si Jay-R dahil siyempre, we live together all these years. Me and Jay R’s friendship… kahit diretsuhin mo ko ng, ‘Pangit ‘yan,’ walang pikunan. Ganoon kami, e… 

“Si Billy, ganoon din. Kasi noong unang dating niya rito, hindi pala dating, balik, noong bumalik siya rito, siyempre mga Amboy (kami), kaya we stuck together.”

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

ADVERTISING