Kris Lawrence, dakila ng pagmamahal kay Katrina Halili

Kris Lawrence, dakila ng pagmamahal kay Katrina Halili

Katrina-Halili-Kris-LawrenceKAHIT NOONG mga panahong baguhan pa lang ang magaling na singer na si Kris Lawrence at nasa bakuran pa lang siya ng ABS-CBN, mabait na talaga siya at kaya na talaga niyang mai-express ang kanyang sarili kapag iniinterbyu siya.  Hanggang ngayon na nasa bakuran na siya ng GMA 7, hindi pa rin naman siya nagbabago ng kanyang ugali. Mas lalong marami siyang pinahanga nang makarelasyon niya at laging ipagtanggol si Katrina Halili.

Sa panahong iyon na down na down si Katrina pagkatapos ng iskandalo nila ni Hayden Kho, si Kris ang dumating sa buhay ng seksing aktres. Nagtagal ang kanilang relasyon, hanggang sa magkaroon sila ng anak, at magkalabuan na nauwi sa hiwalayan. Ngayon, medyo okey na ulit sila na parang nagbabalik na ‘yung kanilang respeto bilang magkaibigan kung wala pa talaga ang tuluyang balikan para sa kapakanan ng kanilang anak.

Marami sa mga nagmamahal kay Katrina ang nagsasabing kung hindi pa rin naman muling makikipagrelasyon ang aktres sa ibang lalaki, mas okey nang si Kris ang kanyang makabalikan. Bukod sa mayroon nga silang anak, napakadakila ng ginawa ng magaling na singer na mahalin ang Kapuso star, habang napakarami noon ang nanlalait kay Katrina bilang paghuhusga sa kontrobersiyang kanyang pinagdaanan. Kakaiba kung magmahal si Kris, dahil may pagtatanggol, tapang, at pagdamay.

ChorBA!
by Melchor Bautista