Kris Lawrence, bukas pa rin sa pagbabalikan nila ni Katrina Halili

Kris Lawrence, bukas pa rin sa pagbabalikan nila ni Katrina Halili

Katrina-Halili- Kris-LawrenceMASAYA RAW si Kris Lawrence na on speaking terms ulit sila ni Katrina Halili. Binati nga raw niya ito nang magkita sila noong mismong Mother’s Day last Sunday, May 10, sa Sunday All Stars.

Nag-guest kasi sa nasabing show ang aktres para mag-promote kasama ang iba pang cast ng bagong primetime series ng GMA The Richman’s Daughter. Binigyan ni Kris si Katrina ng bouquet of flowers.

During the time na kahihiwalay lang nila, parang hindi sila in good terms at iniiwasan ang isa’t isa kapag may mga pagkakataong nasa iisang event o venue sila. At least ngayon, maayos na ulit ang samahan nila.

“Yes. Nag-uusap po kami. Dati, it has become awkward kasi it’s a break up. And usually break ups aren’t really the happiest things. So, siyempre may ilangan. Habang fresh pa ‘yong break up.

“At lest ngayon, alam namin ‘yong… you know, I’m happy that I get to see Katy everyday. I still put her to sleep every night. Okey naman.”

Natutuwa rin daw si Kris na nagkaayos na sina Katrina, Hayden Kho, at Vicki Belo.

“I’m happy for her (Katrina). Kasi it was like a big negative thing in her life.”

Kumbaga raw, nakahihinga na nang maluwag sa ngayon sina Katrina, Hayden, at Vicki.  Wala na ‘yong bigat sa dibdib ng isa’t isa.

Wala pa ba sa isip niya na manligaw at magkaroon ng bagong karelasyon sa ngayon?

“A… well I think we all deserve to be happy. You know… sometime. But, a… ‘yon!” natawa na lang ulit ang Kapuso singer.

Parang wala pa ring bagong boyfriend ngayon si Katrina, ‘di ba?

“I’m not sure. Uhm… we don’t talk about that stuff kasi. ‘Yon lang… take care of the baby. My daddy duties basically.”

Does he entertain the idea na baka naman sa mga darating na panahon ay sila pa rin pala ni Katrina?

“I’m not closing my doors. Kasi my dream is talagang… for Katy to have a full family, you know. Like I said before, my worst nightmare is always… for Katy to grow up in a broken family. So, I’m not closing my doors. Maybe I have to change some things. Maybe she (Katrina) needs to change some things. Maybe we need to grow up apart first. We’ll see. Only God knows. In God’s time siguro.”

 

KAPAG NAKAHAHARAP ni Quezon City Vice Mayor Herbert Bautista ang movie press, hindi pa rin maiwasan na matanong siya tungkol kay Kris Aquino. Lalo at balitang may communication na naman sila sa ngayon.

“Hindi masyado,” aniya. “Like… recently kasi namatay ‘yong nanay ng pinsan niya. ‘Yong kapatid ni Cory (Aquino), so I texted her lang.”

Totoo bang may gagawin din silang pelikula ni Kris kasama ang anak nito na si Bimby?

“Hindi ko pa alam. I think Star Cinema ang magdi-decide do’n, hindi naman kami. Hindi ko alam ‘yong tungkol sa pelikula na gagawin daw namin. Nagulat ako no’ng may lumabas na gano’n sa diyaryo. And… sabi ko nga, nasa Star Cinema ‘yon. Nasa ABS-CBN ‘yon kung ano ang desisyon nila.”

Okey sa kanya na magsama sila ni Kris sa isang pelikula?

“Well, siyempre… Kris Aquino ‘yon. Kapag Metro Manila Film Festival, laging number one o number two ang mga pelikula ni Kris. So, karangalan ko rin naman na makatrabaho ‘yong… Box Office Queen.”

Balitang close na sila ni Bimby?

“Hindi naman. Para lang siyang nanay niya na lagi akong inaalaska, gano’n lang.”

May napabalita rin na kung minsan ay nakakalkal daw ni Bimby ang phone ni Kris. Tapos nakikita nito na ang nanay niya ay ka-text siya kaya naibubuko raw nito sa ilang nakakausap.

“Ginano’n lang ni Kris na kunwari ako (ang ka-text). Pero iba talaga ‘yon!” tawa na namang biro ni Mayor Herbert.

Minsan ay may naipu-post din si Kris na obviously ay patungkol sa kanya?

“Hindi ko alam, e. Hindi kasi ako nagbabasa ng post niya.”

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan