Kris Bernal, wala nga ba talagang dating kay Aljur Abrenica?!

OLA CHIKKA! NAKATUTUWANG isipin na ano mang intriga ang ibinabato kay Kris Aquino ay kayang-kaya niya kahit may mga kadramahan muna siyang eksena bago niya ito maayos. Mukhang wala nang dating ang mga paninira sa kanya mula sa pag-arte, pagtatrabaho, at maging sa personal na niyang buhay, sa pamilya, anak at maging sa mga lalaki niya ay inuungkat na naman. Ang hindi ko lubos maintindihan ay ang mga pag-iisip ng mga tao na pilit nilang sinisiraan si Kris Aquino nitong buong eleksiyon eh, hindi naman siya ang tumatakbo kundi ang kapatid niya.
Kunsabagay, hindi lang naman si Kris ang sinisiraan, kundi maging ang ibang artista rin na nag-eendorso ng mga kandidato. Hindi na naman nakapagtataka, dahil dito lang naman sa Pilipinas may ganyang eleksiyon, magkagulo na lahat, manalo lang. Ilang araw na lang at botohan na kaya mula sa kaibuturan ng aking puso, isang paalala lamang: Bumoto po tayo nang tama.

AT BAGO PA tayo madala sa init ng eleksiyon ay tanong ko lang: Totoo bang wala na sa eksena sa puso ni Aljur Abrenica si Kris Bernal dahil sa napapabalitang pang-aagaw ni Bianca King? Ano na naman itong chikka na ito?
Hindi kaya umeeksena lang ang tatlo para mapag-usapan? Dahil narinig daw ng aking parazzi girl na itong palabas nila sa GMA-7 na The Last Prince ay bumabagsak na raw ang ratings. Tsk, tsk, tsk! Masamang balita iyan, ah.
Pero totoo man o hindi ang pag-eksena ni Bianca sa love team nitong sina Aljur at Kris, isa lang ang kutob ko. Na wala talagang namamagitan dito kila Aljur at Kris, dahil ibinulong sa akin ng parazzi girl na madalas daw niyang nakikita itong si Aljur sa mga gimikan at laging may kausap na kababaihan.
Kunsabagay, marami naman talagang mas magandang babae riyan kaysa kay Kris. Kaya sabi nga nila: Why settle for less?! Ha-ha! Kaloka!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino itong dating sexy actress na pinagkakaguluhan ng dalawang pagkayayaman na mga kalalakihan?
Ang chikka kasi, itong si sexy actress ay bonggang-bongga sa mga alahas at mamahaling gamit dahil ang kanyang mga manliligaw ay nagpapasikatan. Eh, pa’no na ang asawa nitong si sexy actress? Oo, tama! May asawa at anak na siya!
At itong mga manliligaw niya ay parehas na napapabalitang babaero at madalas pinagkukumpara ng mga tao kung sino ang mas mayaman sa kanila. Ha-ha! Sino itong sexy actress? Magpakalayu-layo kayo at pumunta ng miles away nang malaman n’yo. ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleMark Herras, nagre-rebelde na sa pamilya?!
Next articleHulicam: GuTOM si Kuya!

No posts to display