Parazzi Chikka: Kris Bernal, sobrang kapit-tuko kay Aljur Abrenica!

Parazzi Chikka: Kris Bernal, sobrang kapit-tuko kay Aljur Abrenica!

Ayon sa aming impormante, susugal na naman ang GMA-7 para sa tambalang Aljur Abrenica at Kris Bernal. Malaki pa rin ang tiwala ng network sa dalawa kahit pa certified ‘flop’ ang kanilang pelikulang Nandito Ako… Nagmamahal Sa’yo. Fantaserye raw ang susunod na proyekto ng dalawa at nagkaroon na nga sila ng story conference.

Nasayt n gating kaparazzi ang dalawa sa Chalk Fashion Rocks event at tila nakaramdam ang dalawa na kinukunan sila. Tulad ng inaasahan, parang kapit-tuko na naman si gurl kay bhoy! Naku ha, PDA kung PDA! Subukan n’yo kayang umiba ng gimik para kagatin ng tao ang mga palabas n’yo? Yun na!

Photos By Fernan Sucalit

Parazzi Chikka: Kris Bernal, sobrang kapit-tuko kay Aljur Abrenica!

Parazzi Chikka
Parazzi News Service