Kris Bernal, sabik sa acting award!

ADVERTISING

Kris Bernal, sabik sa acting award!KABOGERA OF THE year talaga itong si Kris Bernal, huh! Late last year ay nagkaroon ng tsika na lilipat dapat ito sa ABS-CBN to be part of a Kim Chiu project (could it be Coleen Garcia’s role in the morningserye?). Siguradong binigyan ito ng tempting offer ng GMA-7 para manatili itong loyal sa istasyong nagbigay sa kanya ng break sa showbiz.

Just this month ay bumagsak ang panga ng mga kalalakihan sa daring pictorial ng dalaga for a popular men’s magazine. Kung noon ay very hesitant ito sa pagbuyangyang ng kanyang katawan, kitang-kita naman na mas naging confident ang ating bida.

Ang remake ng Impostora ang unang proyekto ni Kris after renewing her contract. Sa unang pagkakataon ay gaganap ito bilang bida-kontrabida sa serye. Ito bale ang remake ng programang lalong nagpabongga ng karir nina Sunshine Dizon at Iza Calzado, who were considered as Kapuso teleserye queens during their prime. Showdown kung showdown ang labanan at kahit sa Cambodia ay nagkaroon din ng remake ang nasabing palabas.

Sa bagong version ay si Kris Bernal na ang gaganap sa dual role na Nimfa at Rosette. First time din nitong makatambal si Rafael Rosell. In fairness, may chemistry sila! Good move na rin ito for Kris to be paired with another leading man dahil aminin na natin – hanggang doon na lang ang AlKris loveteam for now. Kitang-kita ang thirst ni ateh to give her all sa mga bagong projects niya and waiting for Aljur to improve his craft will take forever. A determined woman can’t wait, noh!

Sa isang interview ay naging vocal si Kris sa pagsabi na she wants to win an acting award in the future. Humopia ito nang gampanan ang very challenging role bilang nanay with special needs sa Little Nanay last year, pero dinedma ito ng critics. Hindi naman masamang mangarap na baka nga naman via Impostora ay mabiyayaan na ng acting award ang ating bida. Kapit lang!

ADVERTISING
ADVERTISING