Kris Bernal, natupad ang matagal nang pinapangarap

ADVERTISING

Kris Bernal, natupad ang matagal nang pinapangarap

Kris-BernalNATUPAD NA rin sa wakas ang matagal nang pinapangarap ni Kris Bernal na makasama ang nag-iisang Superstar na si Miss Nora Aunor sa isang TV series. Kaya naman nasa cloud 9, ang segment host ng Starstruck, dahil tinupad ng GMA ang matagal na niyang pangarap.

ADVERTISING

Makasasama niya si Ate Guy sa nalalapit na primetime series na Little Mommy na dapat sanang gagawin ni Carla Abellana na ibinalita kamakailan. Lumabas kasi sa 24 Oras last Monday na pumirma na sa Kapuso Network si Gabby Concepcion at sinabi nito na si Carla ang makasasama niya sa gagawing project sa network.

So, hindi na uubra si Carla sa TV series ng Superstar kaya si Kris Bernal ang kaagad na naisip ng Kapuso na ipalit sa una.

Hindi naman nagkamali ang network dahil matagal na ngang dinarasal ni Kris mula pa noong sumabak siya sa Starstruck at manalo na makasama si Ms. Nora Aunor.

ADVERTISING

Samantalang napuna ng press nang ipakilala ang Starstruck Final 14, kung saan si Kris ang tumayong host para ipakilala ang mapalad na Final 14 ay sobrang payat ngayon ng actress. Aakalain mo tuloy na nagpadagdag siya ng boobs dahil biglang lumaki ito dahil sa kapayatan.

Ayon kay Kris, natural at hindi siya nagpadagdag ng kahit anong parte sa kanyang katawan. Takot na takot nga raw siya sa mga operasyon kaya kahit sa pananginip ay hindi pumasok sa isip niya ang mga bagay na ito. Happy rin raw siya kahit loveless.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING