Kris Bernal, naiyak nang makasama si Nora Aunor sa story con ng serye

ADVERTISING

Kris Bernal, naiyak nang makasama si Nora Aunor sa story con ng serye

Nora-Aunor-Kris-BernalNAIYAK PALA si Kris Bernal nang personal niyang makasama si Nora Aunor sa story conference ng teleserye niya.

ADVERTISING

Puro papuri si Kris kay Ate Guy hanggang sa naiyak ito. Nagulat ang Superstar dahil sa ipinakita ni Kris kaya naman pinagsabihan nito ang dalaga na pantay-pantay silang lahat sa set.

Iba pa rin ang karisma ni Ate Guy sa mga batang artista. Si Gladys Reyes nga tuwang-tuwa nang malamang makakasama siya sa soap. Si Sunshine Dizon, nang malamang may soap na niluluto for Nora ay nag-volunteer na mag-join at sinabihan ang GMA na isama siya sa cast.

 

ADVERTISING

CLEARLY, GABRIELA is making papansin nang makisawsaw ito sa bugawan issue against It’s Showtime’s Pastillas Girl Angelica Jane Yap.

Sila pa ang nag-initiate ng move para paimbestigahan ang bugawan kuno. Mga tanga ba sila? Can they SUBSTANTIATE claims of AlDub IDIOTS na ibinubugaw ng show si Angelica Jane? Are they not aware na bina-bash at binu-bully si Angelica Jane ng AlDogs?

Kailan pa nangyari na ang isang TV show ay magbubugaw ng isang talent? Wow, talaga!!! KATANGAHAN ito to the MAXIMUM ORDER, HA!!!

Na-realize ba ng Gabriela na there’s also a lesson in Pastillas Girl’s story. Nagkaroon ng closure si Angelica Jane at ang ex-boyfriend nito. Nagkaroon ng kapatawaran. Nakasara ba ang mga mata ng Gabriela rito?

It’s a pity that Gabriela has passed judgment on Pastillas Girl. Bakit sobrang tahimik sila sa mga babaeng ini-exploit ng mga men’s magazine, mga babaeng halos hubo’t hubad na pero dinedeadma lang ng Gabriela. Why?

Kasi, starlets to pine tree proportion lang naman ang mga naghuhubad sa magazine, hindi sila sikat, mga wala silang name. Siyempre, gusto ng grupo na maging relevant kuno kaya naman ang Pastillas Girl ang pinag-iinitan nila.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING