Kris Bernal, nagparetoke ng boobs?

Kris Bernal, nagparetoke ng boobs?

Kris-BernalNAGPARETOKE BA talaga ng boobs si Kris Bernal?

Kasi naman, pinag-uusapan ng mga bading ang paglaki ng dibdib niya at ang sexy nga niya sa mga pictures niya na lumabas sa Instagram account nito.

Ang nakararating na kuwento sa akin, sa ibang bansa raw nagpaopera si Kris para lumaki ang boobey nito! Sa Singapore yata ‘yun?

Meron daw kasi dapat na taping ‘yan na na-extend ang taping days pero tumanggi raw ito dahil kailangan daw niyang umalis pa-Singapore. Pinakiusapan lang daw ito nang husto na huwag munang umalis para matuloy lang ang taping. Kaya tuloy hindi raw ito nakasali sa isang summer event ng GMA 7 dahil nagpapagaling pa ito ng opera.

Abangan na lang natin kung aaminin ‘yan ni Kris.

Kunsabagay, ano naman kung nagpadagdag ng boobs para sumeksi, ‘di ba?

In fairness, sumeksi siya ngayon, pero dapat siguro magdagdag din siya ng laman sa katawan para bumagay sa malaki niyang boobsie.

Ang susunod kaya niyan, magpu-pose na siya sa FHM? Abangan na lang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis