Kris Bernal, nagbilad ng katawan sa isang photoshoot

ADVERTISING

 alt=

GOODBYE na sa kanyang sweet image ang Kapuso actress na si Kris Bernal sa pagbibilad ng kanyang katawan para sa isang daring pictorial.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Kris ang kanyang sexy photo. Ani Kris sa kanyang caption, “This is exactly the point in my life where I need to ditch the excuses and start being an adult. Today’s playground!”

Pinasalamatan din niya ang kanyang team na naging bahagi ng nasbaing pictorial.

ADVERTISING

“Thank you for all the love and support my team –@aprilfelicianomua for my makeup / Ate Janet for my hair / Debs for styling me / Dax for my #BTS videos / My photographer @jb_deleon who made this day possible, who took the responsibility to gather the team, and captured every amazing moment in the middle of the heat and craziness. Thank you panda bear and Ate Glecy for taking care of me today! To my fitness coach @russell.cayondong for being so pushy and patient with me during my trainings! I love you all!” Sabi ni Kris.

Marami mang followers ng actress ang nasiyahan sa sexy photo na ibinahagi ni Kris, may ilang tila nagmaasim sa kanilang komento.

Sabi ni @chrisjhnsn1985, “Ang panget. Ang Sagwa. Kitang kita ribs mo pataba ka muna hindi ka hot.”

Ayon naman kay @chubs_n, “Masyado nyang idol si kim chiu. buti pa si kim kahit payat mataba naman ang legs. Kay kris butot balat.”

Sa photos naman na naka-post sa Instagram account ng kanyang photographer na si JB de Leon, lutang na lutang ang alindog ni Kris.

ADVERTISING