Kris Bernal, nag-topless para sa kanyang 32nd birthday

ISANG DARING na pictorial ang ginawa ni Kris Bernal para ipagdiwang ang kanyang 32nd birthday.

Hindi na bago para sa followers ng aktres ang pagpapakita nito ng kanyang katawan lalo na para ipakita ang mga improvements ng kanyang katawan dahil sa pag-alaga nito sa kanyang physical fitness sa pamamagitan ng pagwoworkout. Proud si Kris sa kanyang katawan at ngayo’y isang katakam-takam na pictorial ang kanyang ginawa.

Kris Bernal, nag-topless para sa kanyang 32nd birthday
Kris Bernal

May realizations din ito tungkol sa Maturity, Growth and Body Positivity.

“Maturity does come with age but still not all people who are at 30s can be called mature.

“I think with all the experiences that I carried throughout my journey, I learned how to be matured in different aspects.

“Maturity with dealing with people, situation, and dealing with myself. I learned the hard way tho! It wasn’t an easy ride especially when the pandemic hit but yes it contributed to my maturity.

Aminado ang aktres na siya ay ‘work in progress’.

“I don’t try to interchange the word growth and maturity. I think it is related to each other, but it is completely different from each other as well. Growth is something that you constantly encounter. I’ve grown so much in the past years of my life and I continue to grow.

“This is something I embrace: that I am not a perfect person and I’m a work in progress. I can continue to choose growth everyday no matter how hard the journey may be for me to grow.

Pagdating naman sa body positivity ay ikwinento ni Kris na siya ay nabully noon, pero hindi siya nagpatinag sa mga masasakit na salitang kanyang narinig.

Kris Bernal, nag-topless para sa kanyang 32nd birthday
Kris Bernal

“Body positivity is not just about how someone looks. It’s embracing who you are as a person.

“Tbh, before I used to get affected on how people perceive how I look, ‘Pandak, Anorexic, Butiki, Kawayan…’ and the list goes on, but now I learned how to bring positivity to myself and other people by embracing my flaws.

“There’s always beauty in embracing who you are and working towards making yourself better.

Huling napanood si Kri Bernal sa weekly TV5 show na ‘Ate ng Ate Ko’, kung saan nakatambal niya sina Jake Cuenca at Joem Bascon. Sa ngayon ay nananatiling freelance actress si Kris. Ibig sabihin, puwedeng-puwede itong tumanggap ng TV project sa kahit anong TV network. Happy Birthday Kris!

 

 

Previous articleVLOG WATCH: How much does wardrobe matter in Miss Universe? Catriona Gray spills the tea!
Next articleSandara Park, naging emosyonal sa pag-alis sa YG Entertainment; gustong makasama muli ang 2NE1 members