Kris Bernal, muntik nang ‘di makuha ang role sa bagong serye

ADVERTISING

Kris Bernal, muntik nang ‘di makuha ang role sa bagong serye

Kris-BernalSPEAKING OF Little Nanay, ‘yung paghagulgol ni Kris Bernal sa presscon ng show ay deeply-felt na genuine tears of joy.

“Dati po, pinanonood ko lang po sila, ngayon ay kasama ko na po sa eksena,” lumuluhang chika ni Kris na gumaganap na mentally-challenged na mabubuntis, at kung ano ang epekto nito sa kanilang pamilya.

Ilang buwan na ring walang solo teleserye si Kris, at inamin nga niyang muntik pang hindi mapasa-kamay niya ang role sa Little Nanay, dahil pabalik-balik daw siya sa auditions. At siyempre, may iba siyang Kapuso actresses na nakalaban for the role.

Pero si Direk Ricky Davao nga ang isa sa naniniwala sa kakayahan ni Kris upang gampanan ang said lead role.

ADVERTISING

Mapanonood simula ngayong araw (Lunes) ang Little Nanay sa GMA, pagkatapos ng Marimar, at kasama rin dito sina Eddie Garcia, Bembol Roco, Sunshine Dizon, Mark Herras, etc.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING