Kris Bernal, matiyagang naghintay ng project

ADVERTISING

Kris Bernal, matiyagang naghintay ng project

Kris-BernalKAHIT NA almost a year na walang project si Kris Bernal sa GMA 7, hindi ito nakitaan ng pagrerebelde. Ang huling soap niya ay Prinsesa ng Buhay Ko na natapos last January 2014 at ngayon lang siya muli nagkaroon ng bagong drama series na Hiram Na Alaala kasama sina Dennis Trillo, Rocco Nacino at Lauren Young na idinirek ni Dominic Zapata.

Sabi ni Kris nang makausap namin sa grand presscon, hindi siya matanong dahil naniniwala siya na pinag-iisipan ng network kung anong project ang babagay sa kanya.

Tama nga ang paniwala ni Kris dahil sa kanya ipinagkatiwala ang nasabing drama series na magsisimulang umere sa September 22 kapalit ng Ang Dalawang Mrs Real sa GMA 7.

Ang maganda pa raw sa project, leading man niya ang matagal na niyang pangarap na makatambal na si Dennis Trillo.

ADVERTISING

Ayon pa kay Kris, grabe raw ang dramatic scene na ginawa niya, lalo na nang nawala ang pinakamamahal niya sa katauhan ni Rocco Nacino nang ipadala sa war zone.

Samantalang naitanong kay Kris ang dating karelasyon na si Carl Guevarra na kaagad na sinabi na tapos na raw talaga ang almost two years nilang on and off relationship. Wala na rin daw silang communication nito dahil nasa TV5 na ngayon si Carl.

 

NILINAW NG Professional Artist Managers, Inc. (PAMI) na hindi sila nakikialam sa kontratang pinag-usapan sa pagitan nina Leo Dominguez at Lovi Poe at sina Direk Erik Matti at co-producer niya na si Dondon Monteverde ng Kubot: The Aswang Chronicle 2.

Ang kino-condemn daw nila ay ang ginawang pagmumura ni Direk Matti na naka-post pa sa Facebook nito last September 5, kay Lovi. Hindi raw sila makapapayag na basta puwede na lang murahin ng kahit sino ang kanilang mga artista.

Sa Abunda & Aquino Tonight, naging topic din sa show ang nangyaring pagmumura ni Direk Erik kay Lovi na tinawag pang starlet ang actress. Pero malaki rin ang paniwala ng host na sina Boy Abunda at Kris Aquino na maaayos din ang problema ng dalawang panig.

 

MATAGUMPAY ANG ginanap na PMPC Star Awards for Music last Sunday sa Grand Ballroom ng Solaire Hotel na dinaluhan ng mga sikat na singer at artista.

Congrats sa lahat ng mga nagsipanalo ng katangi-tanging awards at ganoon din sa mga hindi nagwagi.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING