Kris Bernal kinainisan bilang kontrabida sa ‘Artikulo 247’

MAGTATAPOS NA ngayong Biyernes ang afternoon series na ‘Artikulo 247‘. Ito ay pinagbibidahan nina Rhian Ramos, Mark Herras, Benjamin Alves at Kris Bernal.

Kris Bernal kinainisan bilang kontrabida sa 'Artikulo 247'
Kris Bernal in ‘Artikulo 247’

Ito ang nagsilbing comeback project ni Kris Bernal sa Kapuso Network matapos nito lumipat sa TV5. Kahit na wala na siyang exclusive contract sa kanyang original home network ay ipinagkatiwala pa rin sa kanya ang challenging role bilang Klaire/Carmen, kung saan naipakita niya muli ang kanyang versatility from bait-baitan to todo lukaret mode.

For the past months ay marami ang nanggigil sa karakter ni Kris dahil napakagaling nito magpa-ikot at manlinlang ng mga nakapaligid sa kanya. Wala rin itong kiyeme sa mga sexy scenes partikular sa mga eksena niya kasama si Mike Tan, ang gumaganap na lover niya sa serye.

Ngayon na magtatapos na ang programa ay nakaabang na ang mga fans ni Kris Bernal kung ano ang magiging next step niya sa kanyang showbiz career. Siya ba ay magpapatuloy sa paggawa ng mga teleserye? Makakagawa na ba ito ng award-winning movie na matagal na niyang inaasam-asam, o siya ba ay mamamahinga sandali para bumuo ng pamilya with her devoted non-showbiz husband na si Perry Choi?

Previous articleCarlo San Juan at Casie Banks magpapakilig sa ‘Regal Studio Presents: I Love You More and More’
Next articleKylie Padilla balik-primetime sa ‘Bolera’