Kris Bernal, iniyakan ang ‘pagbubuntis’!

ADVERTISING

Kris Bernal, iniyakan ang ‘pagbubuntis’!

Kris Bernal, iniyakan ang ‘pagbubuntis’!MARIING PINABULAANAN NI Kris Bernal ang isyung buntis siya courtesy ng kanyang napapabalitang boyfriend na si Jay Perillo.

ADVERTISING

Ayon kay Kris, papa’no siyang mabubuntis eh, ang payat-payat nga raw niya at ni minsan daw ay hindi siya nawala sa showbiz especially now na on-going ang kanilang primetime danserye na Time of My Life.

Totoo raw na nahihilo siya minsan sa set dahil na rin sa pagod at sa dami ng sayaw na ginagawa nila. Halos araw-araw daw ay may training siya ng iba’t ibang sayaw para maging mas mahusay pa.

Aminado naman daw kasi siya sa sarili niya na hindi siya ganu’n kagaling talagang sumayaw, pero ngayon daw ay nag-improve na siya at nakakahataw na.

ADVERTISING

Hindi naman daw porke’t nahihilo siya ay buntis na siya, at hindi rin daw totoong nagsususuka siya, dahil wala raw insidenteng nagsuka siya sa taping. Kaya naman daw nang lumabas ang nasabing balita, naiyak siya dahil hindi naman daw talaga totoo ang nasabing tsismis.

 

HINDI NA LANG daw pinapansin ng leading man nina Carla Abellana at Michelle Madrigal, sa new afternoon soap ng GMA-7 na Kung Aagawin Mo ang Langit, na si Mike Tan ang intrigang panakip-butas lang siya sa original leading man nitong si Paulo Avelino na nag-alsa-balutan papuntang ABS-CBN.

Tsika ni Mike, hindi raw big issue sa kanya kung pang-ilang choice siya, basta ang mahalaga raw ay sa kanya napunta ang nasabing role. Kaya nga nang sabihin sa kanya na siya na ang magiging leading man nina Carla at Michelle, hindi nito naiwasang maluha sa sobrang saya. Ang mahalaga raw ay may trabaho siya at hindi nababakante.

Sobrang pressure daw siya ngayon, kasi sa lahat nga naman ng proyektong nabigay sa kanya ay ito ang masasabi niyang pinakamalaking project na gagawin niya. Kaya naman daw gagawin niya ang lahat ng iuutos ng direktor nito na si Jay Altarejos para mapaganda ang kanilang show.

Bukod kay Carla at Michelle, makakasama ni Mike sa nasabing serye sina Ricky Davao, Shamaine  Buencamino, Paolo Ballesteros, Kevin Santos, Steph Henares, Ces Quesada, Jan Marini, RJ Salvador at  Will Devaughn, mula sa panulat ni RJ Nuevas.

 

PATOK NA PATOK sa mga Tsino ang gimik ni Bela Padilla sa 2011 Asian Super Model Contest, kung saan tinanghal siyang Miss Friendship at nakuha ang Media’s Darling Award.

Tsika nga ni Bela, sa sobrang tangkad ng mga kandidata sa nasabing competition, ‘di na siya umasa na mananalo pa. Kaya naman kaysa makipagkumpulan siya sa ibang kandidata na matataas talaga ang height kumpara sa kanya na 5’6” lang  sa venue (bundok) sa China, gumawa na lang siya ng sarili niyang gimik para mapansin.

Natatawang ikinuwento ni Bela na nilaru-laro niya ang mga nandoong manok na ikinatuwa ng mga Tsino. Kaya naman daw simula noon ay sinundan na siya ng mga TV crew at naging instant favorite ng mga ito among contestants. Hindi man daw siya pinalad na maging big winner, happy at proud daw siya at nakasungkit ng dalawang special awards.

 

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING