Kris Bernal, ini-enjoy ang pagiging single

ADVERTISING

Kris Bernal, ini-enjoy ang pagiging single

Kris-BernalMAY KILIG factor ang tandem nina Dennis Trillo at Kris Bernal sa seryeng Hiram Na Alaala ng GMA-7. Habang tumatagal, lalong kapana-panabik ang bawat episode. Tuluyan na ngang na-in love ang dalaga sa inaakala niyang boyfriend na si Rocco Nacino sa katauhan ni Dennis. Kahit tutol ang kani-kanilang pamilya sa pagpapakasal ng dalawa. Walang sinumang hahadlang sa kanilang pagmamahalan.

Sakto ang mga dramatic scene ni Kris with Dennis. Very effective ang acting performance nilang dalawa. Pati facial reaction sa bawat eksena ng dalaga nakabibilib kahit walang dialogue, naide-deliver niya ito nang tama. Inamin ng drama pincess na malaki ang naituro ni Dennis para maging effective ‘yung character na pino-portray niya sa nasabing soap. Naging relax na raw sila sa isa’t isa. Puwera lang daw ‘yung kissing scene niya with Dennis. “Ganu’n naman yata talaga ang feeling, kinakabahan ka na may halong nerbiyos sa first kissing scene. Pero ngayon, naging relax na ako kay Dennis, very gentleman. Inaalalayan ako sa mga eksena namin, tatanungin kung okay na ako before the take,” tsika ni Kris Bernal.

Tinanong namin si Kris kung may chance na maging sila ni Dennis habang ginagawa ang soap? “Hindi namin iniisip ‘yan, pareho kaming naka-focus sa trabaho. Kung nagiging malapit kami sa isa’t isa, we’re just friends. Ayaw naming bigyan ng malisya ‘yung friendship na mayroon kami sa ngayon. At saka, enjoy ko muna ang pagiging single ko. Masarap pala ang feeling na wala kang commitment, lahat puwede mong gawin na walang nagbabawal sa ‘yo. Hindi ako nagmamadali, kung darating ‘yung the right guy for me, okay lang. As of now, happy ako sa flow ng career ko at sa break na ibinigay sa akin ng GMA-7, saka na ang lovelife,” aniya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING
ADVERTISING