Kris Bernal, iiyakan ang paga-lis ni Aljur Abrenica sa GMA 7

ADVERTISING

Kris Bernal, iiyakan ang paga-lis ni Aljur Abrenica sa GMA 7

Kris-BernalKUNG ANG ibang GMA 7 talent ay hindi muna makapagbigay ng comment sa ginawang pag-aaklas ni Aljur Abrenica laban sa GMA 7, si Kris Bernal ay very vocal na nagsabi na natatakot siya na hindi na sila muling magkasama sa isang serye ng Kapuso Network ni Aljur dahil sa ginawa nitong pagdedemanda laban sa kanilang home studio.

ADVERTISING

Ayon kay Kris, bukod sa dati silang magka-love team ni Aljur, itinuturing pa rin niyang bestfriend ang actor kaya masakit daw kung hindi na sila muling magkakasama sa TV series ng GMA 7. Hindi pa raw sila nagkikita ni Aljur at wala naman daw siyang nakikitang kakaibang kilos sa actor para pag-isipan na may balak itong umalis sa bakuran ng GMA 7. Ang kakaiba raw napansin niya sa actor ay pagiging seryoso nito sa kanilang religion dahil sa tuwing nagkakausap daw sila noon ay laging may Diyos na namumutawi sa bibig ni Aljur.

Kapag nawala raw si Aljur sa GMA 7 ay siguradong iiyakan niya dahil mawawala na ang ka-loveteam at bestfriend na lagi raw gumagabay sa kanya. Si Aljur lang daw ang sinasandalan niya at parating dumadamay sa kanya. Tinatanong din daw niya ang sarili kung bakit umabot sa ganito ang sitwasyon ni Aljur sa network na nagbigay sa kanila ng pagkakataon na maging bahagi sa showbiz industry.

Gustuhin man daw ni Kris magbigay ng reaction sa ginawang paghahain ng demanda ni Aljur sa network, hindi raw niya magawa dahil wala siyang alam sa pinagsimulan ng problema ng actor. Ayaw naman daw niyang malagay sa alanganin ang kalagayan niya at madamay siya sa isyung hindi naman siya direktang sangkot. Ang masasabi lang ni Kris kay Aljur, mahal daw nito ang kanilang trabaho at gusto lang daw ng actor na maging perfect ang lahat.

ADVERTISING

Anyway, sana hindi pa huli ang lahat para magkaayos muli ang dalawang panig.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING