Kris Bernal, ‘di raw na-hurt sa pagkakaroon ni Jay Perillo ng bagong GF

ADVERTISING

Kris Bernal, ‘di raw na-hurt sa pagkakaroon ni Jay Perillo ng bagong GF

Kris Bernal, ‘di raw na-hurt sa pagkakaroon ni Jay Perillo ng bagong GF WALA NA raw kirot sa dibdib na nararamdaman si Kris Bernal sa tuwing nakikita niyang magkasama sa Party Pilipinas ang ex BF nitong si Jay Perillo kasama ang bagong GF nitong si Gretchen Espina, ang 1st Pinoy Idol winner.

Ayon kay Kris, matagal na siyang naka-move on mula sa break-up nila ni Jay at kahit tapos na ang yugto ng kanilang naudlot na pagmamahalan, naging maganda pa rin naman ang kani-lang samahan bilang magkaibigan, dahil maganda ang kanilang naging paghihiwalay.

Aminado naman daw si Kris na zero pa rin ang kanyang lovelife at wala pang balak na umibig muli. Naniniwala raw kasi ito na darating din ang kanyang bagong Prince Charming at ayaw niya itong madaliin. Kapag may dumating daw at deserving naman sa kanyang pag-ibig, ‘yun daw ang hudyat na puwede na ulit siyang magmahal.

Pero ngayon daw, mas gusto muna nitong mag-concentrate sa kanyang  career, kung saan mataas ang rating ng kanyang pinagbibidahang soap, ang Hiram na Puso with Mark Herras.

ADVERTISING

 

DALAWANG PELIKULA ang ginagawa ng Drama Prince ng Kapuso Network na si Kristoffer Martin na regular na napapanood bilang si Chris sa Tween Hearts at sa Party Pilipinas.

Ang una ay ang Oros, at ang pangalawa ay ang suspense thriller na The Basement, kung saan makakasama nito ang ilan sa kanyang kapwa tweens na sina Teejay Marquez, Louise Delos Reyes, atbp.

Habang naghihintay raw si Kristoffer ng kanyang bagong teleserye project sa Kapuso Network, magi-ging busy muna ito sa paggawa ng pelikula. Isa nga sa wish nitong makasama sa pelikula ay ang kanyang dating ka-loveteam sa Endless Love, Autumn in My Heart na si Kathryn Bernardo na kahit magkaiba na ang kanilang istasyon na kinabibilangan ay nanatili pa rin ang kanilang pagkakaibigan.

 

IBANG-IBA NA talaga nang makita namin si Mark Herras sa bakuran ng GMA-7, dahil ang dati nitong patpa-ting katawan ay napalitan ng magandang hubog ng pangangatawan.

Ayon kay Mark, ito raw ang katas ng kanyang pagwo-workout. Pagod na raw kasi ito sa kung anu-anong isyung ibinabato at idinidikit sa kanyang pangalan nu’ng mga panahong pumayat siya na wala namang katotohanan. Kaya naman daw pinilit niyang gumanda ang kanyang katawan para iwas-isyu. Kaya naman ngayong maganda na ang kanyang katawan ay puro papuri naman ang natatanggap nito.

Happy raw si Mark sa magandang nangyayari sa kanyang career at sa magandang response ng tao sa kanyang acting sa Hiram na Puso katambal si Kris Bernal. Wish daw nito na patuloy pang subaybayan ng kanyang mga tagahanga ang kanilang soap nang sa ganu’n ay magpatuloy ang pagtaas ng ratings nito.

 

MASUWERTE ANG grupong UPGRADE na kinabibilangan nina Miggy San Pablo, K-Cee Martinez, Rhem Enjavi, Armond Bernas, Ron Galang , Raymond Tay and  JV Suzara dahil pagkatapos manalo ng 32nd Seal Of Excellence People’s Choice Award for Most Promising Young Performers (Boy Band) this year, nagkasunud-sunod na ang kanilang shows.

Bukod sa regular ang mga itong napapanood sa Walang Tulugan with the Master Showman every Saturday, 11:30pm, mapapanood din ang mga ito sa April 18 sa The Lounge sa Tomas Morato, QC; April 20 sa Jojo A, All The Way TV5/ taping of Master Showman GMA-7; at sa April 22 sa Iba, Zambales.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING