Kris Bernal, ‘di mai-imagine na ma-link kay Dennis Trillo

ADVERTISING

Kris Bernal, ‘di mai-imagine na ma-link kay Dennis Trillo

Dennis-Trillo-Kris-BernalMAY BAGONG soap na gagawin si Kris Bernal sa GMA. Ito ay ang Hiram Na Alaala, kung saan makakasama niya sina Dennis Trillo, Rocco Nacino, at Lauren Young.

“Its’ about the power of shared memories,” aniya.

“‘Di ba tayo, kahit malayo tayo sa mga mahal natin sa buhay, parang it’s always the shared memories that get us back together? Parang gano’n ‘yong theme niya. Complicated siya. Malalim talaga ‘yong hugot no’ng kuwento, e.

“Tungkol siya sa pagkakaibigan. Halu-halo, e. Pagkakaibigan. Tungkol sa pamilya. Pagmamahal sa sarili. At ‘yong loyalty ba. Itong Hiram Na Alaala, ang dami niyang tina-tackle na kuwento. Ang dami niyang tina-tackle na emotions.”

ADVERTISING

Pag-aagawan ba siya nina Dennis at Rocco?

“Hindi naman sa pag-aagawan. Iba nga ang tema nito, e. Hindi agawan ang mangyayari. Kumbaga… kusa. Kusang mangyayari na ma-in love. Kusang naramdaman, hindi ipinilit. Na-in love na lang bigla sa akin. At na-in love na lang akong bigla. Dahil nakita ko sa taong ito ang lahat ng memories na meron ako. Lahat ng masasayang alaala na meron ako.”

‘Yong character ba ni Lauren, magiging kontrabida sa buhay niya?

“Hindi siya kontrabida sa buhay ko. Isa siya sa lead. Siya ay girlfreind ni Dennis. So, ang ganda rin ng role niya. Pero hindi ko pa masabi ngayon kung may mga away kami o may mga sampalan kami. Hindi ko pa masabi. Basta… hindi ko pa puwedeng sabihin kung paano ako mai-involve sa characters nina Dennis and Rocco.”

Kung tungkol sa love angle sa roles na gagampanan nila ni Rocco, hindi ba magiging mahirap ‘yon? Dahil sa totoong buhay, maingay na pinag-uusapan at kinikikiligan ang relasyon ng aktor kay Lovi Poe.

“Hindi. Hindi naman. Everytime naman na may leading man ako, malaki ang respeto ko sa relasyon nila. Talagang trabaho lang. So, walang magiging problema. Pagdating kay Rocco, alam ko ‘yong sa kanila ni Lovi.And nirerespeto ko ‘yon. Pangako ko, kapag trabaho talaga… nasa trabaho lang ako. Ayoko rin ng may nahahalong iba.”

Si Dennis yata ang single din kaparis niya sa ngayon. Sila siguro ang may posibilidad na ma-link sa isa’t isa.

“Naku! Si Dennis?” natawang reaksiyon ni Kris. “Parang mahirap ‘ata na standard si Dennis!”

Bakit naman magiging mahirap?

“Wala lang. Hindi ko gaanong kakilala pa si Dennis. Hindi ko pa siya gaanong ka-close. Pero sa nakikiita ko sa kanya… siyempre Dennis Trillo n siya, e. Lahat tayo binibigyan natin ng respeto si Dennis bilang aktor. So, hindi ko rin naman masasabi na imposible. Siyempre kung hahayaan ni Lord, mangyayari. Pero parang hindi ko pa siya ma-imagine. Dahil sa ngayon nga nagugulat pa lang ako na kapartner ko siya. Parang ngayon, hindi pa ako makapaniwala. So, paano pa kaya na i-imagine ko na mali-link kami. Naku!” tawa na naman ni Kris.

Ang dating ka-loveteam niyang si Aljur Abrenica, dumadaan ngayon sa maintrigang situwasyon. Bunsod ito ng nangyaring break-up ng aktor at ni Kylie Padilla at pagkaka-link din sa naging leading lady nitong si Louise delos Reyes sa Kambal Sirena.

“Pagdating kasi sa personal life ni Aljur, I don’t ask, e. Pero siyempre, bilang kaibigan niya at nakasama niya for the longest time, nakakalungkot din na may pinagdadaanan siyang ganyan. Pero kasi sa akin, hindi ko alam ‘yong totoong nangyari, e. Alam mo ‘yon? Alam mo kasi minsan, parang… binibigyan Niya ng challenge itong tao na ‘to dahil kailangan niya. So, maybe gano’n lang. Na talagang dumadaan ‘yong mga ganitong problema niya dahil kailangan niyang matuto. Kailangan niyang matutunan sa experiences niya,” sabi pa ni Kris.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING