Kris Bernal biktima ng GrabFood fake booking; Grab Philippines naglabas na ng pahayag

NAKAKABAHALA ang modus ng mga taong walang magawa sa buhay kundi ang magbigay-perwisyo sa mga taong matinong naghahanap-buhay.

Si Kris Bernal ang latest victim ng isang modus sa GrabFood kung saan nag-o-order ng napakarami ang isang fraudster na ia-address sa bahay ng ibang tao. Sa kasong ito, ang dating Kapuso actress na si Kris Bernal ang pinagtripan ng isang babae na gumagamit ng pangalang Jen Jen Manalo.

Kris Bernal biktima ng GrabFood fake booking; Grab Philippines naglabas na ng pahayag
Kris Bernal

Hindi lang isa o dalawa kundi 23 GrabFood riders ang dumating sa bahay ng aktres noong Sabado, July 3. Lahat sila ay sinasabing ang aktres diumano ang nag-order ng mga pagkain. Maging ang kawawang nanay ni Kris ay nastress dahil siya ang humarap sa mga drayber na hindi rin biro ang mga inabonong pera. Lahat ng 23 fake GrabFood orders ay naka-COD o Cash On Delivery ang payment option. Non-stop ang pagdating ng mga ito mula ala-una ng hapon hanggang alas-nuwebe ng gabi. Grabe!

Ayon sa nakalap na impormasyon, nagtatrabaho diumano ang manloloko noon sa isang SexBomb dancer at maging ang mga miyembro ng nasabing grupo ay nabiktima na rin ng modus nito.

Pagdating ng Linggo ay hindi na idinaan sa GrabFood ang panloloko – diretsong deliveries from fast food chains at milk tea shops na raw ang ginawa ng taong walang magawang matino sa buhay.

Nakakabahala ang ganitong pangyayari. Nabibigyan ito ngayon ng pansin dahil isang sikat na aktres ang biktima. Paano na lang ang mga normal na tao? Paano masisigurado ang proteksyon ng mga riders at customers?

Naglabas na rin ng opisyal na pahayag ang Grab Philippines, na kasalukuyan ay iniimbestigahan na kung sino ang tao sa likod ng kalokohang ito.

“It has been brought to our attention that someone has recently used our platform to place multiple orders – causing undue stress to Ms Kris Bernal and our driver-partners.
Grab has a zero-tolerance policy on fraudulent activities. Upon learning of this incident, we have immediately conducted our investigation and we have blocked the mobile phone IMEI of the fraudster to avoid similar incidents from happening in the future. We are also working closely with Ms. Kris Bernal on the matter, and we have reimbursed our delivery-partners who have fallen prey to this fraudster.

Grab Philippines will continue to extend its cooperation with the local authorities in their investigation.”

Sana mahuli na ang salarin para na rin hindi na ito makapanloko pa ng iba!

 

Previous articleTrailer ng ‘Revirginized’ patok sa netizens, Sharon Cuneta tanggap sa kakaibang role
Next articleThings You Didn’t Know About Sunshine Dizon