Kris Bernal, ayaw nang makipagbalikan kay Carl Guevarra

ADVERTISING

Kris Bernal, ayaw nang makipagbalikan kay Carl Guevarra

Kris-BernalSUPER EXCITED si Kris Bernal sa bagong niyang primetime drama series na Hiram Na Alaala ni Direk Dominic Zapata ng GMA-7. Ikinuwento ng drama sweetheart na sobra siyang inaalagaan ni Direk. Hindi lang ‘yung itsura nito pati ‘yung emotion NA kailangang ipakita at maramdaman ng manonood. Gusto raw ni Direk Dominic na makita ‘yung tamang emosyon. Kahit ulit-ulitin ang eksena. Naramdaman ni Kris na may goal ang director na maipakita ang galing ng dalaga sa drama.
Sa dami ng artista sa GMA 7, bakit nga ba si Kris Bernal ang napili nila for this primetime teleserye? “Oo nga, hindi ko alam. Ang importante sa akin kahit second choice ako, sa akin napunta ‘yung project. Alam ko namang marami silang pinagpilian para sa role ni Andrea Dizon. Actually, biglaan lang dumating itong show na ito, ako na. Hindi ko na iniisip ‘yun kung pang-ilan ako sa choice nila. Mabigyan ako ng pang-primetime na show, malaking bagay na ‘yun sa akin, bida role at si Dennis Trillo pa ang leadingman ko rito,” pagmamalaking sabi ng dalaga.
Sa first taping nina Kris at Dennis, ikinuwento ng actress ang naging feeling niya sa actor. “Nahihiya ako, lalo na kapag magkaeksena na kami. Kaya kung ano ang ipagawa sa akin ni Direk kahit mag-tumbling ako, gagawin ko. Kasi, si Dennis ang leading man, magaling na actor.”
Lalo pang na-tense si Kris nang kunan ang first kissing scene nila ni Dennis. “Siyempre, pinaghandaan ko, nag-toothbrush ako before the kissing scene. Hindi ko na inisip kung ano ‘yung naramdaman ko dahil may rehearsal pa kami before the take. Hindi na pinag-uusapan ‘yung mga eksena, ‘yun na ‘yun. Tender lang ‘yung kissing scene namin ni Dennis, hindi laplapan. After nga ng kissing scene namin ni Dennis, gusto kong ngumiti pero hindi puwede dahil seryoso ‘yung eksena namin.”
Tuloy, ipinag-compare sina Carl Guevarra at Dennis kung sino sa dalawa ang masarap humalik para kay Kris? Nag-isip muna ang dalaga bago nito sinabing si Dennis ang masarap humalik. Inamin din ng actress na posibleng ma-develop ang friendship na mayroon sila ngayon ni Dennis dahil pareho silang single. “Hindi agad-agad akong maniniwala dahil malaki ang respeto ko kay Dennis. Crush ko siya, I adore him. Hindi ibig sabihin magpapakita ako agad ng motibo. Gusto ko, mas mature sa akin, kung sakaling magbo-boyfriend uli ako,” diretsong sabi nito.
Inamin ni Kris na break na nga sila ni Carl, pero  ayaw na niyang i-detalye kung ano ang naging dahilan ng paghihiwalay nilang dalawa. “Hindi ko siya dineny. I didn’t confirm anything and at the sametime sinabi ko, may special relationship kami. Ngayon sasabihin ko pa rin, hindi siya official talaga,” turan ng actreess.
Ayon kay Carl, two years daw ang relationship nila ni Kris, totoo ba ito? “Actually, hindi ko mabilang… hindi naman sa hindi ko siya sineryoso. Kumbaga, nu’ng una pa lang, may something na sa relationship namin. Hindi puwedeng ganyan, hindi puwedeng ganu’n. Ayaw ko nang ganito, alam niyang may rule na kailangang sundin. Puwedeng maging kami, hindi naman naging official na kami. Mutual siya pero on and off siya. Hindi ko rin masabi na 2 years kasi hindi ko mabilang. Hindi ko sinasabing sinungaling siya…” paglilinaw ni Kris.
Bakit nga ba kayo nagkahiwalay? “Okay naman kami… may mga differences lang kami na hindi napagkakasunduan. Hindi ko siya makasundo sa isang bagay, ganu’n din siya. Hindi kami okay ngayon, hindi kami nag-uusap. Ayaw ko lang ‘yung sinasabi niya sa ibang tao. Ako, bago ako magsalita, iniisip ko kung masasaktan siya, so sana ganu’n din siya. Nasaktan din ako sa mga narinig kong sinabi niya,” tsika pa ng actress.
Nagpakatanga ba siya nang maging boyfriend niya si Carl? “Hindi naman sa naging tanga ako. Hindi ako perfect, may pagkakamali rin ako. Hindi tanga ‘yung right word para du’n. Siguro ano lang, hindi ako perfect na tao. I accept my mistakes. May mga pagkakamali rin siya, kailangan kong tanggapin. Hindi tanga ‘yung right word ang sakit tanggapin ‘yun. Oo, minahal ko siya. Wala akong reklamo kay Carl, mabait siya, mapagmahal siya. In fairness to him, ipinakita niya kung ano ‘yung nararamdaman niya sa akin. Love niya ako kasi, kung feel ng ibang tao ‘yung nagawa niya sa akin which is totoo naman. Isipin ding ‘yung mga pagkakamali, wala nga perfect na tao. Kahit ako marami akong pagkakamali,” pahayag niya.
Sa tono ng pananalita ni Kris imposible na raw na magkabalikan pa sila ni Carl dahil happy na siya sa nangyayari sa career niya. Pero wala siyang regrets na minsan minahal niya ang actor. Na-enjoy raw niya ‘yung relationship with Carl at marami siyang natutunan sa love affair nilang dalawa. May chance pa kayang magkabalikan kayo ni Carl? “Hindi na, happy na ako sa nangyayari sa akin. Focus muna ako sa work.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING