Kris Bernal, aminadong may kasalanan sa break-up nila ni Carl Guevarra

ADVERTISING

Kris Bernal, aminadong may kasalanan sa break-up nila ni Carl Guevarra

Kris-BernalAFTER CARL Guevarra, zero ang lovelife ni Kris Bernal. Nanghihinayang ang dalaga dahil love na love pa naman niya si Carl, pero nauwi sa hiwalayan ang akala nga namin ay relasyong made in heaven na.

Aminado si Kris na siya ang may kasalanan. Kulang daw siya sa oras habang si Carl, matiyaga na nag-aabang lang at on call sa nais ng dalaga. Kuwento nga sa amin ng isang kaibigan na close sa dalawa, matiyaga raw si Carl kay Kris, hatid-sundo siya ng binata. Pero dahil may mali sa parte ni Kris, hindi naging maganda ang kinahinatnan ng relasyon nila.

“Pero riends kami,” kuwento ni Kris sa amin when we visited the set of her new teleseryeng Little Nanay para sa GMA Kapuso Network last Thursday sa likod ng simbahan ng Sta. Ana sa Manila.

No time for love si Kris after nag-split sila ni Carl dahil mas pinaglaanan niya ng oras ang kanyang showbiz career. Almost a year na rin pala bago nasundan ang last serye ni Kris sa Kapuso at happy nga siya dahil sa muli niya pagiging aktibo sa pag-arte, magandang project ang in-offer sa kanya bilang isang babae na mentally-disabled na nagkaanak.

ADVERTISING

Suwerte ni Kris dahil sa kanyang bagong project no less than si Nora Aunor ang gaganap bilang lola niya sa serye na mula sa direksyon ni Ricky Davao.

“Kabado ako noong una kong nakaeksena si Ms. Guy,” kuwento niya. Excited ako pero kabado dahil siyempre, Nora Aunor ‘yan. Kahit sinong artista, gustong makatrabaho ang isang Nora Aunor,” pagmamalaki pa ni Kris.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING