Kris Bernal-Aljur Abrenica loveteam, dinedma ng audience sa fashion show – Ambet Nabus

ADVERTISING

Kris Bernal-Aljur Abrenica loveteam, dinedma ng audience sa fashion show - Ambet Nabus

Kris Bernal-Aljur Abrenica loveteam, dinedma ng audience sa fashion show - Ambet NabusMUKHANG HINDI NGA talaga fair na sabihing ang tandem nina Kris Bernal at Aljur Abrenica ang ka-match ng tandem nina Kim Chiu at Gerald Anderson.

ADVERTISING

Hindi talaga papayag ang libu-libong supporters ng Kimerald dahil sa last fashion show ng Bench ay makikita talaga kung sino at aling love team ang kinabog. Literal na nakabibingi ang tilian kina Kim at Gerald at nagmukha talagang kawawa sina Kris at Aljur, maliban sa ilang mga bading na todo ang hiyaw for the Kapuso hunk.

Kahit nga sa pagrampa ay walang comparison ang dalawang parehas, kaya nga ‘yung balitang pag-mama-asim ni Kris sa mga fans ay nakakaloka.

[ad#post-ad-box]

SPEAKING OF KIMERALD, naunsiyami pala ang pagsasama ng popular love team at ni Robin Padilla sa isang teleserye sa Dos na next year na mag-uumpisa.

ADVERTISING

Ito sana ang magiging comeback soap ni Binoe sa Kapamilya Network at dito nga balitang pumayag maging nanay ni Kim si Kris.

Isa lang daw ito sa malalaking sorpresa ni Binoe sa kanyang pagbabalik-Kapamilya dahil mismong ang manager nito na nakausap namin kamakailan ang nagsabing may Star Cinema movie pa itong nakatakdang gawin

Hindi nga ba’t nagprisinta nang maging leading lady ng action superstar sina Bea Alonzo at Toni Gonzaga? Pero mukhang mauuna ngang gawin ni Binoe ang isang project kung saan kasama niya ang kanyang kapatid na si BB Gandanghari, playing a very important role na mala-Angelina Jolie.

Ngayon, sinong may sabing hindi na uso si Binoe?

GRABE ANG CELEBRITIES na dumalo at nakisaya sa kasal nina Senador Mar Roxas at ateng Koring Sanchez.

Kabugan ng mga designers’ creation pero sobrang napansin ng mga tao sina Gretchen Barretto, Sunshine Cruz, at maging si ABS-CBN prexy Charo Santos.

Yung mga pulitikong nasilip namin ay hindi rin nagpatalbog at may mga anik-anik pa silang eksena sa loob ng simbahan. May mga matataas na pulitiko kaming napansin na panay ang pakikipag-usap kay Mother Lily Monteverde.

Si dating Pangulong Erap Estrada ay pinagkaguluhan din ng mga kasamahan niya sa pelikula habang panay ang tsika nito na excited na siya sa kalalabasan ng pelikula niya with Ai-Ai de las Alas at Mommy Dionesia Pacquiao.

Masaya, makabuluhan at nakatutuwa ang naturang kasalan na talaga namang well-attended ng mga who’s who sa industriya ng pelikula, pulitika, negosyo at media.

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

ADVERTISING