Kris Bernal, acting vehicle ang bagong serye

ADVERTISING

Kris Bernal, acting vehicle ang bagong serye

Kris-BernalSA TEASER pa lang na ipinakita ng bagong teleserye ng GMA 7 na Little Nanay, masasabi na agad na acting vehicle ito para kay Kris Bernal na gumaganap bilang si Tinay. Challenging ang role ni Kris bilang isang 25-year-old na ang pag-iisip ay kilos ng isang 9-year-old na bata.

Akala pa nga ni Kris ay hindi sa kanya mapupunta ang role at ang project kaya during the presscon, mangiyak-ngiyak siya sa pasasalamat. Ayon pa sa dalaga, kung anong pelikula ang kanyang pinanood para magkaroon ng idea on how to portray the role na merong intellectual disability. And in fairness to Kris, mukhang she succeeded naman.

Ang Little Nanay nga pala ang first teleserye rin ni Nora Aunor sa GMA 7. Kasama rin sa series sina Eddie Garcia, Gladys Reyes, Bembol Roco, Mark Herras, at marami pang iba. Sa Direksyon naman ito ni Ricky Davao at magpi-premiere na ngayong Lunes ng gabi (Nov. 16).

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING
ADVERTISING