Kris at Diether, nagkaka-inlaban na?!

ADVERTISING

 Kris at Diether, nagkaka-inlaban na?! SA TOTOO LANG, mukhang mali ang naging desisyon ng Marie France kay Sharon Cuneta. Kasi kahit sabihin pang malaking artista ito, hindi naman nakikita ang katotohanang pumayat na nga ang aktres sa kanilang produkto.

Sabi nga ng maraming tao na nakakakita sa billboard ni Sharon sa kahabaan ng EDSA, nagsisinungaling ang Marie France at photoshopped lang ang nasabing larawan ng aktres. Payat si Sharon sa billboard, pero sa personal ay parang wala pa ring nabawas sa timbang nito.

ADVERTISING

MAY NAKAKITA KAY Kris Aquino at Diether Ocampo na sweet daw sa isa’t isa. Duda nang amin source ay totoo ang balitang may itinatagong relasyon ang dalawa. Say pa ng aming spy, mukha raw nagkaka-inlaban ang dalawa dahil kita sa kilos at galaw ng kani-lang mga mata.

Teka sino ba talaga ang type ni Kris sa showbizlandia, ang dami-dami naman yatang lalaking gusto niya?

ANG SABI NI Rosanna Roces, hindi siya naghihirap. Pero ayon sa aming mahaderang spy, naibenta na raw ng dating sexy aktres ang halos lahat ng mga ari-arian nito, pati na ang bahay sa Commonwealth ay may buyer na rin.

ADVERTISING

Iwas si Osang na pag-usapan ang tungkol sa financial, pero pagdating sa pag-ibig, masayang nagkukuwento ang aktres, kun saan ay may bago ito ngayong kakuyangyangan na talaga namang super guwapo kumpara sa dati niyang boyfriend na abogado.

SA TOTOO LANG, habang tumatagal ay lalong papangit nang papangit ang programang Noah ni Piolo Pascual at maging ang Imortal nina Jhon Lloyd Cruz at Angel Locsin ay pumapangit na rin.

Hindi sa nagtataray, pero karamihan sa mga nagiging programa ng Channel 2 ay maganda lang sa simula, pero ‘pag nasa kalagit-naan na, pumapangit na.

AYON KAY ROXANNE Guinoo na kakakasal lang, hindi pa raw puwedeng sundan ang kanyang baby dahil mahirap kung siya ay magbuntis. “Siguro after five years na lang bago, masundan dahil mahirap manganak, ‘no?!”

Sinabi pa rin ni Roxanne na kahit hindi na siya masyadong abala sa showbizlandia, masaya naman siya sa takbo ng kanyang buhay sa piling ng mapagmahal na asawa at super bibong anak.

Simple man ang naganap na kasal ni Roxanne, proud pa rin siya dahil at long last ay natagpuan na niya ng lalaking makakasama habang buhay.

 Kris at Diether, nagkaka-inlaban na?! More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING