Kris Aquino, wala nang maitatago kay Bimby

Kris Aquino, wala nang maitatago kay Bimby

Kris-Aquino-Bimby-Aquino-YapMALIWANAG NA si Bimby Yap ang isa sa mga unang tao ngayon sa buhay ni Kris Aquino na pakikinggan ng magaling na host ng Kris TV ng ABS-CBN kapag nagiging pasaway pa rin talaga ang ugali niya sa mga darating na panahon. Hindi naman kasi lahat ng tao sa paligid niya ay pakikinggan ni Tetay. Pero ang bunso niyang anak, ngayon pa lang ay may panggulat na sa kanya at nagtatampo ang bagets kapag mayroon siyang hindi nagugustuhan sa mga ginagawa at ikinikilos ng kanyang mommy.

Diretso na kasing magsalita si Bimby sa kanyang mommy kapag mayroon siyang gustong sabihin. Kung namana niya ang maiksi at diretsong pagsasalita ng kanyang daddy na si James Yap, nadagdagan pa iyon ng namana niyang kataklesahan naman ng kanyang Mommy Kris, kaya si Tetay mismo ay nawiwindang kapag nagsasalita na ang kanyang anak. Hindi puwedeng kuwestiyonin ang katalinuhan ni Bimby lalo na kapag sila na lang ng kanyang mommy ang nag-uusap, dahil nakuha niya rin ang katalinuhan ng bunsong anak ni dating Pangulo at yumaong Cory Aquino.

Tungkol pa rin sa kataklesahan ni Kris, ngayon ay marami ang nagugulat sa ginagawa niya sa kanyang staff sa programa na si Darla Sauler. Na kesyo parang hindi na raw makatarungan. Pero sa totoo lang naman, bago naman siguro si Darla naging close kay Tetay, alam niya na kapag nakatuwaan siya ng mommy ni Bimby ay pagtitripan talaga siya lagi. Mabait na tao si Darla, na parte rin dati ng The Buzz, kaya alam niya ang ugali ni Kris kapag nag-enjoy na paglaruan siya.

ChorBA!
by Melchor Bautista