Kris Aquino, Vice Ganda, at Ai-Ai delas Alas, maglalaban-laban sa MMFF

Kris Aquino, Vice Ganda, at Ai-Ai delas Alas, maglalaban-laban sa MMFF

Kris-Aquino-Ai-Ai-delas-Alas-Vice-GandaMASAYA ITONG Metro Manila Film Festival ngayong taon dahil matindi ang maglalaban, ha?!

Mga komedyante, at feel good movie siguro ang maglalaban sa takilya dahil pasok ang pelikula ni Vice Ganda na Beauty and the Bestie, kung saan si Coco Martin ang makakatambal niya. Lalaban din ang Mr. and Mrs. Split nina Kris Aquino at Herbert Bautista, at ang pagsasamahan naman nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas na Romcom-in Mo Ako.

Sa totoo lang, parang naaliw ako rito sa entry nina Bossing Vic at Ai-Ai dahil parang nakaaaliw ang kuwento na sinulat at ididirek yata ni Joey Reyes.

Lalaban din tingin ko ang feel good na rom-com din na pelikula nina Jennylyn at JM de Guzman na Walang Forever.

May entry uli si Robin Padilla na Nilalang kasama ang kilalang Japanese porn star na si Maria Ozawa.

May historical churva rin na entry na Hermano Pule, ang Death and Senses ng Quantum Films, at ang Haunted Mansion ng Regal.

Hay, naku! Excited lang ako rito dahil marami na naman akong presscon na pupuntahan n’yan pagdating ng Pasko. Bongga!

Hay! Na-miss ko tuloy si Sen. Bong Revilla dahil kung nasa labas lang siya, tiyak na may isasali rin ‘yan sa MMFF.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis